Saturday, September 14, 2019

Mga Dapat Matutuhan



10/14/13 11:03pm

“Mga Dapat Matutuhan”

Madami pa akong di alam, lalong lalo na sa relasyon ng mag-asawa at pagpapamilya. Madami talagang nagbabago, may mga bagay na hindi dapat minamasama. Kung mahal mo talaga ang isang tao tatatanggapin moa ng lahat lahat sa kanya. Yung attitude nya, physical & emotional. Yung totoong siya, kung ano siya talaga, if magkasama na kayo sa bahay at kung ano ba talaga yung ugali niya. Hindi porket may nakikita ka sa kanyang mali, magiging hadlang na ito sa pagmamahal mo sa kanya. Hindi pala dapat ganun, kahit anong makita mong pagkakamali sa kanya, kailangan mo siyang intindihin kahit anong mangyari. Walang magagawang mabuti ang pagpansin at pagbigay din dito. Kung mahal mo talaga siya, kahit makita mo man ang mga masasamang pagbabago sa kanya, kailangangang tanggapin mo ito. Hindi! Ang dapat pala matatanggap mo ito, wala kang choice. Mahal mo yung taong iyon, maging sino man siyam masama man o mabuti, mamahalin at tatangapin mo siya. Ganyan ang pagmamahal lalo na kung papasok ka sa buhay mag-asawa. Madami pa akong hindi alam, madami pang dapat matutuhan. Kailangan lang na patience, care at unending na love para maging strong at forever ang pagmamahalan.

Just Only Me



10/13/13 10:17am

“Just Only Me”

I have no one in my side. No one cares. Maybe no one knows my existence. Maybe, I am just their past time. I don’t want to be their toys. I am not a toy, every time you want to play, you can play it. I am a person, I feel hurt sadness, need some love and care, I feel so alone now. All I want is hug, a warmth comfort hug. That feels no matter what happen, they will never leave my side, they are ready to comfort me. Why I have this kind of personality?

Ako ngayo'y nag-iisa



05/09/15 11:46pm


Ako ngayo’y nagiisa, hindi alam kung anong gagawin, tila mnhid na yata, ang pusong nagmamahal
Oo mahal kita, pero ako ba’y mahal pa ba? Kung sakali mang ikay’ybumalik, kaya kong tanggapin ka, basta’t iyong mapatunayan na may pag-ibig pang natitira
Kailangan kong gawin ito, kailangan kong gawin ito, kailangan kong maramdaman at makita, na kahit anong mangyari, hindi ka susuko, dahil mahal mo ako, mahal mo kami
Alam kong ako’y  may pagkakamali, pero nakalimutan mong ikaw di’y may kasalanan
Kasalanag iyong di matanggap, pagmamahal na nawawala at naglalaho
Para sa isang babaeng katulad ko, yung pagmamahal ng taong mahal ko ang nagpapasaya sakin, ngunit kapag nawala iyon, para akong blanko at may kulang sa akin
Gawin mo lang ang alhat para sa amin, patunayan mong kami’y iyong mahal, sinisigurado ko sayo na kami’y magbabalik

Kailan Masisilayan ang Umaga?



06/02/12 12:43 am

“Kailan Masisilayan ang Umaga?”

Kailan masisilayan ang umaga?
Tila wala ng tigil ang ulan
Gusto kong masilayan ang liwanag
Liwanag na magbibigay saya sa aking buhay
Ngunit sa di malamang dahilan
Yung liwanag na naging dahilan nang kasiyahan
Ang siya pang naging dahilan
Para naising masilayan ang umaga
Ang liwanag na dati’y nagbibigay saya
Ngayon ay nawala at iniwan akong mag-isa
Di ko alam kung saan pa pupunta
Nanaisin na lang na mag-isa at maghintay sa wala
Tignan mo ko, oh aking liwanag
Kailan ba kita ulit masisilayan?
Kailan mo ba ako ulit mapapasaya?
Kailan ba manunumbalik ang dating liwanag na nagdudugtong sa ating dalawa?

Pilit kitang hinahanap ngunit di ka Makita
Nangingilid na ang  mga luha sa lungkot na nadarama
Sana’y malaman mo ko kung babalik ka pa
Nang aking masilayan kung may umaga pang naghihintay

Pagpapatawad na Hinihingi sa Iyo



02/25/13 04:19 am

“Pagpapatawad na Hinihingi sa Iyo”

Ngayon ko lang napagtanto ang aking kamalian. Di ko na kailangan pang malaman pa kung ano yung pagkakamali mo sa akin. Patawad kung nasaktan talaga kita nang sobra. Di ko ginustong masaktan ka. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Sana mapatawad mo pa ako kahit alam kong ang lalim lalim ng sugat na naidulot ko sa iyo. Mahal kita dahil pinsan kita, sana magkaayos na tayo. Dapat din akong magpasalamat sa’yo, kung hindi dahil sa’yo di ko pa makikita yung lahat ng pagkakamali at kasamaan ko. Pero sana magkaayos na tayo, namimimiss na po kita. Sorry po talaga. Maybe kailangan talaga natin ng space para maayos ito.

Ang Katotohanan



02/25/13 04:02 am

“Ang Katotohanan”

Masama pala akong tao. Oo, lahat naman tayo may mga bad sides pero masama pala talaga akong tao. Di ko na maibabalik lahat nang mga pagkakamaling nagawa ko, ang masasabi ko lang at magagawa ay humingi ng patawad. Hindi ko worthy ang ganitong buhay, di ko worthy na magkaroon ng isang mabait na ina, di ko worthy magkaroon ng mabait na kapatid, di ko worthy magkaroon ng mabait na pinsan, di ko worthy magkaroon ng mabait at maayos na pamilya, di ko worthy magkaroon ng mabait na bf. Halos nasa akin na ang lahat pero patuloy pa din akong nagbubulag-bulagan. Nasa akin na ang lahat pero bakit sinasayang at pinapabayaan ko lang ito. Di ko na alam bakit ganito ako. Masama akong tao, marahil kaya ako kinakaayawan ng mga taong nasa paligid ko ay dahil masama ako. “Diyos ko, sana mapatawad nyo po ako sa mga kasalanang aking ginawa, tulungan nyo po akong magbago at iwasan ang masasamang gawain, tulungan niyo po akong magbago at iwasan ang masasamang Gawain, ayoko pong sa bandang huli, wala yung mga taong mga mahal ko. Panginoon ko, tulungan nyo po ako. Amen!” Hindi ko po alam kung mapapatawad nyo po ako sa mga ginawa ko, di ko na nalalaman na masama na po yung ginagawa ko. Namulat ang aking mga mata kung ano at sino ba talaga ako. Gusto kong mabago para sa ikasisisayos ng buhay ko at ng mga taong nakapaligid sa akin. Sana mapatawad din po nila ako. Ayoko pong mawala siya sa akin. L(

Here we go again



11/15/12 03:15 pm

Here we go again. My hearts shouting in the outside. I was so silent and quiet but in inside I was shouting, shouting all the pain in my heart. Why it is going? Why I am here again, writing and telling all my unheard feelings. There is no self-confidence to tell my feeling, all I can do is to be quiet and have my own world. I hate this attitude of mine. My biggest problem is my social life, even with my family, I had this problem there it is again, the feeling of being alone and a cry-baby.

Mga Luhang Pumapatak



07/27/12 10:02 pm

“Mga Luhang Pumapatak”

Mahapdi na ang mga mata. Di na makaramdam, kusang pumapatak sa papel ang mga luha na dala nang kalungkutan ang sinasabi ang sinabi ng mga mata, gusto nyang umiyak walang dahilan, walang rason kung bakit kailangang umiyak. Ilanga raw nang di mapakali, pati ang mga pangyayaring nagdaan ay sumasabay na din sa sinasabi ng aking mga mata. Nakakasawa na ang paulit-ulit na Gawain. Nakakapanghina. Mas maigi na lang kung ako’y tutulala. Bakit ng aba ako umiiyak ngayon? Yun ang tanong na di ko masagot sa mga oras na ito.

Pag-asa para sa KInabukasan



01/21/12

“Pag-asa para sa Kinabukasan”

Sa lahat nang nagyari sa buhay ko, ang tanong ko, bakit ako pa? Bakit ako pa? Pinilkit kong magpakabuti pero sa lahat lahat na iyon, ako pa ang binigyan ng problemang ito. Masakit, masakit tanggapin na kahit anong oras, baka mawala ka na, di moa lam kung abutin ko po ang bukas. Ngayon ko lang nakikita yung mga simpleng bagay na di natin pinapansin, malaking bagay nap ala. Yung ganda ng tanawin, mga alon sa dagat, ang hagpas ng hangin sa iyong mukha. Nakakaiyak kasi baka bukas di ko na maranasan ang mumunting paraiso na ito. Madaming naka-suporta sa’yo sa mga oras na ito. Pero alam kong sa loob nila, umiiyak na sila, pinapalakas nila ang loob ko para labanan ang sakit na ito. Nawawalan na ako ng pag-asa pero yung mga mahal ko sa buhay ang nagbibigay ng lakas at pag-asa ppara ipagpapatuloy ang paglaban. Madalas kong kinakausap ang Diyos, nakikiusap akong huwag niya muna kong kuhain pero kung ito talaga ang kapalaran ko, lubos ko itong tatanggapin. Masayang mabuhay sa mundo, masayang makita ang mga ngiti ng bawat isa sa atin. Gusto kong makita ang pag-sikat ng araw sa bawat bukas na meron pa ako. Kahit ganito ang nangyari sa akin, masasabi kong swerte ako, kasi naranasan kong mabuhay sa mundong ito dahil sa mundong ito, dahil sa Panginoon natin.

Magpahanggang Ngayon



02/25/11 09:56 pm

“Magpahanggang Ngayon”

Buong buhay ko, bihira na akong sumaya. Simula pagkabata ko, alam ko na kung anong ibig sabihin nang nag-iisa, nalulungkot at sama ng loob. Nalaman koi to dahil naramdamam koi to. Napakasaklap na maramdaman koi to kaagad nang bata pa ako. Hindi ako sumaya sa pamilya ko. Para silang mga plastik, kapag nasa harapan ng tao, ang bait bait nila, ang gandala nilang makitungo pero kapag di na nakaharap, kung anu-ano na sinasabi nila. Kami-kami na nga lang ang magka-kapamilya pero nagkakaroon pa din nang paghuhusga. Bakit ganun? Di ko alam kung pero nagbubulag-bulagan sila sa mga pangyayaring ito. Sa mga panahong ito, alam kong may mali ako. Di ko alam kung paano ako hihingi ng tawad. Binalak kong magpakamatay dahil sa sobrang depresyon, di ko sinasadyang magawa ito. Panginoon ko, patawarin nyo po ako sa ginawa kong ito. Ikaw lang nakakaintindi at nagmamahal sa akin. Mahal ko po kayo!

Ang aking Sandalan



­­­­­02/20/11 06:37 pm

“Ang aking Sandalan”

Ang aking natatanging sandalan ay ang aking pagsusulat. Sa pammaagitan nang pagsusulat, siya lang ang nagiging sandalan ko sa lahat ng mga nararamdaman kong di mailabas, sa kanya ko lang lahat ito nasasabi. Siya lang ang kaisa-isang di mang-iiwan sa akin. Buti na lang andito pa din siya, kung wala siya, paanno na kaya ako? Hindi ko alam kung hanggang saan o hanggang kalian ako magsusulat, basta ang alam ko lang kahit kaming dalawa lang ang nakakaalam, masaya ako kasi kahit papano may nalalabasan at nasasabihan pa din ako nang problema. Salamat sa pagsusulat! Salamat sa pakikinig sa mga panahong ito, m,edyo ok na ako! J