Tuesday, June 28, 2022

No one to tell what I feel

 June 29, 2022

Hey there! We meet again. Sobrang dami nang nangyari sa akin. Sa kabila nang lahat nang iyon, ngayon na lang ulit ako nakadalaw sa'yo. Sobrang emotional and sobra ang feelings ko. Nararamdaman ng biglaan tas bigla ding mawawala.  


I have an idea what's happening to me, all I have to do is the confirmation if I am really sick. Sa tagal ng panahon, now ko lang na realize na may trauma pala ako. The worst part is it's not about the feelings kasi physically ko na din nararamdaman ito. Hindi lang trauma kundi anxiety na din ata. Dati sinasabi ko, mas gusto ko na physical pain na lang. Pero if physical pain na galing sa depression, anxiety or stress, mas worst pala yung feeling. I've  done some actions para mawala na yung nararamdaman ko. Tinanggap ko na lang din yung mga bagay na kahit anong gawin is di magbabago. Ginawa ko na din na iwasan na lang yung mga bagay na mag papaalala sakin sa trauma ko. I help myself. And ang masasabi ko dun is sobrang helpful, para sa sarili mo, na gumawa ka ng paraan para mabawasan yung nararamdaman gaya ng pag iwas sa bagay o taong nakakasakit sa'yo. 

Ang totong dahilan bakit talaga ako napasulat, I'm facing it again. Eto yung pakiramdam na ayaw mong maramdaman ulit. Maybe meron lang ako now that's why I am so emotional. 

Lagi ako nagkwento sa asawa tungkol sa lahat ng nararamdaman ko, lalo na sa lahat ng negative and paghihirap ko. And these past few days, maraming mga bagay na nagdaan na I can say na naubos yung lakas ko. And I know naaapektuhan siya sa mga sinasabi at nararamdaman ko, and possible na sa kanya naman dumadagdag yung mabigat na nararamdaman ko. Sobra akong nalulungkot for that but he's the only one na makakatulong at makikinig sakin. Sorry sa asawa ko if sa'yo ko palagi na kwento at nasasabi ito. Ayoko naman talagang maging negative or madamay pa yung iba sa negativity ko. Pero punong puno na ako. And I thought andyan sya para sa akin, na maiintindihan nya ko. But most of the time, sinasabayan mya kapag inaatake na ko ng anxiety. 

And finally, I decided na hindi na lang ako magsasalita, sasarilinin ko na lang lahat ng nararamdaman ko physically and emotionally. I will help myself na malagpasan ulit yung nararamdaman ko ng mag isa. I will find ways to ease the pain. Sarili mo lang talaga matitira at tutulong sa'yo.

I am so tired. I am fucking tired emotionally and physically. But damn, why does not  everyone understand me? Why there is no someone to help me when I needed it. And when I need someone to listen, why there is no one who wants to lend they're ears and listen. Why are they always mad at me.?

Asawa ko, tama na siguro. Pipilitin kong di na magsalita at magsabi sa'yo kasi ako lang din masasaktan. Binabalik mo lang lahat ng sinasabi ko sa akin. Napagsasalitaan na nagpapabigat pa lalo ng damdamin ko. Ikaw lang yung kakampi ko ehhh. Ikaw lang yung pahinga ko sa pagod. Pero naiintindihan naman kita. Kakayanin kong harapin to kahit mag isa lang ako.