Wednesday, March 6, 2013

Bakit?



November 03, 2010    

"Bakit?"

chia-chan

Hindi ko maintindihan? Nakatulala ako habang iniisip kung bakit? Ito ang ating palaging tanong, "bakit?". Napapahawak ako sa aking ulo, nag-iisip. Ako ay isang taong may pinag-aralan. Lumaki ako sa buhay na tama lang. Lumaki akong di nakita ng personal at naramdaman ang pagmamahal ng aking tunay na ama, amgkaganoon man, ipinaramdam naman sa akin iyon ng aking pangalawang ama. Namumuhay ako sa buhay at mundong ako lang ang tanging nakakaintindi. Bakit ganoon ang trato nila sa'kin? Kakaiba at may halong galit? Wala akong alam sa nangyayari kung bakit ganoon sila, ang alam ko lang, dumadaplis ang sakit at kirot na dulot nito sa aking puso. Nais kong maging manhid pero di ko kayang magawa.Bakit? Bakit ayaw nila sa akin? Bakit galit sila sa akin? Bakit nila ako nilalayuan? Isa lang akong tao, taong nagnanais ng pagmamahal at pansin. Bakit nararamdaman ko itong mga pangyayari na ito? Ito na lang lagi ang nagiging problema ko. Nasa akin ba ang problema? bakit? Marahil nasa akin nga. Hanggang kailan akong nila ako titiisin? bakit ganoon? Madalas na nagagalit ako sa aking sarili. Bakit kasi ganito ako? Bakit ganyan? Tatahimik ako, mapapatulala at mag-iisip. Mahal ko ang aking sarili ngunit ay ibang tao'y di tanggap ang isang katulad ko. Nawawalan ako ng pag-asang umunladsa buhay. Alam ko kung ano ang magiging estado ko sa buhay. Tinatapak-tapakan nila ako noon pa man at marahil, magpasahanggang kinabukasan, ganoon pa din sila. Bakit? May ginawa ba akong masama sa inyo? Bakit nyo ako minamaliit ng ganito? Masama ba akong tao? Masaya bang apihin at paglaruan ako? Ang daming tanong ang bumabagabag sapuso ko, ngunit ni isa sa mga ito, wala akong nakuhang sagot. Wala akong magawa ngayon kundi bumuntong-hininga at gumilid-gilid ang luha ko. Natatakot ako, nanghihina. Pagkikimkim.  

chia-chan


Lihim na Nararamdaman



November 12, 2011    

"Lihim na Nararamdaman"

chia-chan

Sa ngayon, nalulungkot ako. Nag-iisip isip kung ano ba ang tama kong gawin. 
Magilid-gilid na ang aking mga luha sa aking mga mata. Masama ba akong tao? Halos lahat nang kakilala ko, pamilya man, kaklase, kakilala, bakit parang ayaw nila sa akin? 
bakit galit sila sa akin? Siguro nga may nagawa akong mali pero for me, it's not totally wrong.  Hindi lang magkaintindihan kami. Lack of understanding and talk. Akala nya ba siya lang ang nasasaktan? Why do I have to say sorry if for me, I didn't do anything wrong? Ayaw ko pa syang kausapin. Sa mga panahong ito, sya ang bida at ako ang kontrabida sa kwento nyang ito. Mahal ko naman ang mga taong nakapaligid sa'kin. Pero bakit ganun? bakit? gusto kong umiyak para kahit papano mawala yung bigat na nararamdaman ko ngayon. Dati, sa sulat ko na lang dinadaan ang lahat nang mga nararamdaman ko, pero I tried na kung kay Mama ako mag-open. For me, I shared important and that is a secret, it is between me and my mother, but accidentally, may nakaalam. It's not totally accidentally, ngayon ang gulo gulo nang lahat, ang gulo-gulo nang isip ko, dahilan para di ako makatulog. Tumutulo na ang luha ko. Pakiramdam ko talaga, ang sama sama ko. Kung nakasakit man ako, di ko naman sinasadya iyon. Gusto kong lumayo dito, gusto kong magkaroon ng katahimikan ang aking puso. Di ko makakayang makita sil. Bakit ganun? Bakit? Sa papel at ballpen ko na lang ulit sasabihin ang lahat ng nararamdaman k. Tatahimik na lang ulit ako at iiwas sa mga tao, sa ganoong paraan, baka di na ako makasakit ng damdamin nang ibang tao. Di ko naman talaga iyon sinasadya. Alam ko sa sarili ko na madaming galit at may ayaw sa akin, especially sa pamilya ko. Masakit pero kailangang tanggapin. "Patawad sa lahat nang mga nasaktan at nagawan ko ng masama.Hindi ko sinasadya. Mahal ko kayo!". Gusto kong ubusin ang lahat ng oras ko sa ibang lugar. Ayokong manatili muna dito. Gusto ko nang tahimik, yung ako lang mag-isa. Sarili ko lang naman makakatulong sakin. "Lord please help me! :'( I know your always here!".


chia-chan