Friday, August 10, 2012

Mga Ala-ala



October 27, 2009

"Mga Ala-ala"


remembering Pictures, Images and Photos 
Sa tuwing naiisip ko sila, nalulungkot ako. Hanggang ngayon, di pa din ako makapaniwalang wala na ang dating pagkakaibigan namin.. Wala nang saya, wala nang trust, wala nang PAGMAMAHAL! Sobrang sakit isipan na hindi pala nila ako mahal.. Kung mahal nila ako, di sila maniniwala sa taong estranghero; kung mahal nila ako, di sila sumuko sa paglaban sa aming pagkakaibigan. Di ko mapigilang isipin na nalulungkot pa din ako at nasasaktan. Oo, nababasa mo.. NASASAKTAN PA DIN AKO. Masakitpara sa'kin na wala na silang care sa'kin. Ma masakit isipin na kahit kelan di ko na ulit mararamdaman ang kanilang pagmamahal. :'( .  Sabi ko dati sa sulat na binigay ko sa kanila, bahagi sila ng life ko, if nawala sila, kulang na ako. Sa ngayon, di na ako kumpleto, ang mga taong kumukumpleto ng buhay ko angsadyang umalis at iniwan ako. Dati, sila ang kumukumpleto ng buhay ko, ngayon sila na ang missing part ko sa life ko. Nagtiwala ako, sila ang di nagtiwala. Minahal ko sila, pero hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila o wala naman talaga!.. Bakit dahil sa isang maninira, nagtiwala sila at iniwan ako? Kahit sobra na kong nasasaktan, kahit patay na ang puso ko, kahit kulang na ang buhay ko, kahit umiiyak ako ngayon, ito lang ang mapapangako sa inyo.. Kulang ang salitang pagmamahal sa nararamdaman ko sa inyo, Hindi na ako ayos tulad ng dati, di ko na kayang tumawa katulad ng dati, ang mga ngiti sa labi ko, wala ng kulay... Wala na akong magagawa kung ganito na tayo. Siguro nga kahit masakit, tatanggapin ko na lang ano tayo ngayon... Basta sobrang mahal ko kayo, MAHAL NA MAHAL.

Ang Pinakamalupit na Pagsubok sa Larangan ng Pagkakaibigan


October 13, 2009

"Ang Pinakamalupit na Pagsubok sa Larangan ng Pagkakaibigan"


 

 Isa na ito sa ,masasabi kong pinakamalupit na pagsubok sa'kin pagdating sa mga kaibigan. imagine, pinapaamin ka sa isang krimen na hindi mo naman talaga ginawa. Lumagay ka sa katayuan ko ngayon, ano kayang mararamdaman mo? hindi ba't sakit! Puro sakit lang ang nararamdaman ko tuwing pinagpipilitan nilang ako yun. Ano ba? Mga bulag ba kayo? o manhid naman kaya? TAO lang ako  katulad nyo, may PUSO'T DAMDAMIN. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang sakit na dulot nyo ngayon. Hinayaan ko kayong magsalita, nakinig ako, sumagot sa mga tanong nyo pero hindi nyo ko masisisi kung pumatak man ang luha ko sa aking mga mata, hindi lahat ng oras makakaya kong pigilan ito. Unting-unti akong nanlulumo at nawawalan ng pag-asa. Bakit ba ayaw nyong maniwala? Bakit hindi ako ang paniwalaan nyo? Bakit sya pa? Kaibigan nyo ko diba? Ako ang totoo, hindi sya. Pinipilit kong maging masaya pero hindi ko pa din maitago ang isinisigaw ng aking puso. 
ANG SAKIT! SOBRANG SAKIT! BAKIT HINDI KAYO MAGTIWALA SA'KIN? BAKIT AKO PA? MAHAL NA MAHAL KO NAMAN KAYO AH. MAY TRUST AKO SA INYO KASI MAHAL KO KAYO. PERO BAKIT KAYO GANYAN? BAKIT AKO DI NYO PINAGKAKATIWALAAN? ANG IBIG SABIHIN BA NUN HINDI NYO KO MAHAL? T_T .. ANG SABI NILA, PAG TRU FRIEND DAW AY MAY TIWALA SAYO, ALAM NYANG HINDI MO MAGAGAWA ANG ISANG BAGAY NA MAKAKASAMA SA INYONG LAHAT SA BANDANG HULI MAGTATAWANAN NA LANG KAYO... Parang wala na lang talaga ako sa'yo... Prinoprotektahan nyo sya? Bakit? Ganun din naman ako ah! Pero bakit ako hindi mo din kayang protektahan! Bakit naman kayo ang may dapat aminin sakin, sayaw nyo ba sa'kin? nagkaroon na ba kayo ng pagkakataon para sulitin na ang mga panahong ito? Ramdam ko na mahal mo ako, salamat sa pagpaparamdam sa'kin nun. Sana umamin na ang may tunay na sala, sana makonsensya na sya, hindi ko na talaga kasi kaya tong nangyayari sa'kin... Susuko na ako! Umamin ka na, nakikiusap na ako sa'yo.