Friday, December 21, 2018

Message for my daughter (read this when i'm gone)

December 21, 2018
11:25pm

Ang mensaheng ito ay Kung sakali mang mawala ako sa Di inaasahang panahon at makapag-alam.

Anak, Loreea Faye, mahal na mahal ka ni mommy, siguro sa ngayon hindi mo pa maiintindihan, humihingi ako ng sorry kasi hindi ka na masasamahan ng mommy sa mga darating pang chapter sa buhay mo. Pasensiya ka na ank kung si mommy ay masungit at strict sa'yo. Para sayo yun anak, gusto ko kasi maging maayos ka. Sorry kung hindi man ako kagaya ng ibang mommy na makulit at masaya kasama. Pinipilit naman ni mommy na maging best mommy para sayo pero eto lang talaga kaya ni mommy. Ganito lang talaga si mommy, pero di ibig sabihin nun, di ka na kita love, love na love na love na love kita anak. The moment na ipinatong ka sa dibdib ko anak, yun ang pinaka-masayang moment ng buhay ko. Mamimiss ka sobra ni mommy, lahat lahat anak. Sana kahit lumaki ka na di mo pa din ako makalimutan. Kung gugustuhin ko, sana hanggang sa tumanda ka andun ako. Proud na proud sa yo si mommy anak, sa lahat ng ginagawa mo at gagawin mo pa. Basta enjoy mo lang yung pagkabata mo, pagkadalaga mo. Ikaw ying best gift ni lord sa amin ni daddy mo. And super blessed ako kasi ikaw naging anak ko. Ang super sweet kong baby. Basta anak lagi papakabait ahh, wag papahirapan si daddy, enjoy your life. Kahit wala na si mommy, andito lang ako, wag mong iisipin na iniwan na kita kasi lagi akong nasa iyo anak, nasa puso mo ako. Lagi kitang babantayan at syempre susuaportahan. Mahal na mahal kita loreea faye.

Happy birthday anak, ang laging wish ni mommy sayo, syempre good health at yung lagi ka lang maging masaya yung life mo, and maabot mo yung mga magiging pangarap mo. Love na love ka ni mommy.

Happy 18th bday anak, ganun pa din wish sayo ni mommy, good health, more happiness in life, achieve your dreams, lagi lang akong nandito anak to support you and laging proid si mommy sa lahat ng ginagawa mo, mahal na mahal kita anak, lagi mong tatandaan yan.

Congratulations anak, i know naman na kayang kaya mo yan, congrats sa lahat ng achievements mo, very proud si mommy sayo, sa lahat ng ginagawa mo, kahit wala na si mommy, lagi lang ako naka-support at nandito para sayo anak. Mahal na mahal kita.

Happy wedding anak, best wishes. Ngayong magkakaroon ka na nang pamilya, mahalin at ingatan mo ang pamilyang binubuo mo na ngayon. Masayang masaya si mommy para sa anak. Ang wish ko lang naman is yung kaligayahan mo. And sa mapapangasawa mo, isa lang pakiusap ko sayo, mahalin mo ang anak ko, sapat na yun, wag mo siyang iiwan at tanggapin mo ang lahat sa kanya, katulad  ng pagmamahal sa akin na daddy niyo. Mahal na mahal kita anak.

Congrats sa baby mo anak, sayang di ko ma-meet ang apo ko, ngayon mararamdaman mo na ang pagiging nanay, mahalin at ingatan mo ang anak mo, kahit wala si mommy para tulungan ka, alam kong kayang kaya mo yan anak, andito lang ako anak to support you and very proud ako syo. Mahal na mahal kita.

Anak, Crisa Kitstine, ang aming rainbow baby. Sobrang saya ni mommy at daddy nang malagpasan natin ang buong pagbubuntis natin. Ginawa naming lahat para makasama ka namin, para di na maulit Yung nangyari Kay Ginggong, sa pangalawang kapatid niyo. Mahal na mahal kita anak. Pasensya na anak if Hindi na mapaparamdam pa ni Mami Yung pag aalaga at pagmamahal niya pa sa iyo. Super blessed and happy ko na ibinigay ka sa amin ni dadi. I am so excited sa mga pangyayari at maratating mo pa sa buhay mo anak. Gawin mo ang gusto mo Basta Wala Kang matatapakang tao. Si dadi na Ang bahala sa'yo at ako andito lang ako para bantayan kayo. Ngayon pa lang very proud na si Mami sa mga tatahakin mo sa buhay. Always remember na mahal na mahal kita anak. 

Message for my husband (read this when i'm gone)

December 21, 2018
11:01 pm

Ang mensaheng ito ay Kung sakali mang mawala ako sa Di inaasahang panahon at makapag-alam.

Daddy, dadadad, bhie, mahal, hubby. Para sa pinakamamahal kong asawa, mahal na mahal kita, alam ko namang alam mo yun. Sorry sa lahat, sorry kasi pasaway ako, sorry kasi nagger ako, sorry kasi tamad ako, sorry kasi hindi ako yung asawa na inaasahan mo, sorry kung di ko maiparamdam yung pagmamahal at care na deserve mo, believe it or not, im trying, pinipilit ko pero eto lang talaga kaya ko. Sorry for everything, for hurting you, unintentionally and intentionally. Sorry for being myself. Alam ko naman lahat ng sacrifices mo para sa akin, dahil sa pagmamahal mo sa akin nagtitiis ka kahit ganito ako. And sobrang thankful talaga ako kasi ikaw yung naging asawa ko, lubos lubos ang pasasalamat ko kay Lord kasi ikaw ang asawa ko. Salamat sa'yo kasi minahal mo ako, tinanggap mo ako, salamat sa pagtulong sa akin para di ako mahirapan, salamat sa pagpapalakas ng loob ko kahit minsan nakakasakit yung way mo, salamat sa mga maliliit na bagay na ginagawa mo sakin dahil para sa akin napakalaki nun, salamat sa pakikinig sa akin, salamat sa paghanga sa akin, salamat sa pagiging mabuting asawa at tatay sa amin ng anak mo. Lahat lahat ng bagay at alaala nating dalawa, forever kong babaunin yun kahit saan man ako mapunta. And forever akong blessed and thankful kay Lord kasi binigay ka niya sa akin, sabi ko naman sayo diba na ikaw yung answered prayer ko. And napaka swerte ko kasi higit pa yung binigay sa akin ni Lord, higit pa sa inaakala ko. Salamat sa bawat segundong kasama kita, yung mga segundong yun ang masasayang segundo ng buhay ko.  Lagi mong tatandaan na kahit na wala na ako, andito pa rin ako para suportahan ka sa lahat ng gagawin mo, mamahalin ka kahit nasaan man ako. I love you daddy. Salamat sa pagpapa-saya sa akin. Salamat sa pagbibigay kay Loreea sa akin. Mahal na mahal ko kayo ni anak. Kahit na madaming tao ang nagsasabi  ng mga masasama sa'yo, proud pa din akong sabihin na hindi ako nagsisisi na ikaw ang asawa ko, at ipagmamalaki kita na ikaw ang asawa ko, na kahit ganito lang tayo, proud ako sayo dahil nabubuhay mo kami ni  anak. Wag mong pipigilan ang self mo kung yun ang magpapasaya sayo, you deserve it. Magbigay ka ng oras para sa kaligayahan mo. Lagi mong iingatan ang sarili mo, need ka pa ng anak natin. Mamimiss ko lahat ng alaala natin, yung kulitan, lambingan at mga simpleng bagay na nakakapag pasaya sa  atin, mamimiss kita ng sobra pati si anak. Alam mo namang di ako nakakatulog ng hindi hawak ang kamay mo, hindi buo ang araw ko ng hindi kita nayayakap, nahahawakan, nahahalikan at nakukulit. Ikaw na bahala kay anak. Patawad kung hanggang dito na lang ako. Mahal na mahal kita kit sherwin sandro aninon roque. Salamat Asawa ko kasi natupad na Yung gusto kong Kasal sa simbahan, kinasal tayo sa harap ni Lord. Simple pero napakasaya ko kasi at last official na tayong mag Asawa. Salamat sa pagtitiis at pagiintindi sa akin kahit sobrang labo ko na. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at mas Lalo kitang minamahal. Maraming salamat dahil sa iyo naranasan Kong maging Ina at Asawa. 

My Last Wish (read this when i'm gone)


Ang mensaheng ito ay Kung sakali mang mawala ako sa Di inaasahang panahon at makapag-alam.

Gusto ko sana kumpleto ang pamilya ko sa lamay at libing ko. Kung hindi makumpleto, okay lang naman sa'kin, maiintindihan ko yun, pero gusto ko talagang kumpleto lahat para kahit man lang sa huli, kahit katawan ko na lang yun, nakasama ko pa din kayo.
 Gusto kong alalahanin ng pamilya ko lahat ng memories natin together.
 Yung mga kantang gusto kong marinig ay "Kahit Isang Saglit", "I will be here", "Wherever you are - One Ok rock", "you are the reason - calum scott" , "make you feel my love-adele", "sana maulit muli" , "ikaw ang aking pangarap-martin nievera", "ikaw ang sagot-tom rodriguez", "isa pang araw-sarah geronimo", "valentines", "now and forever-richard marx", "destiny". 
Yung kantang ikaw ang aking pangarap at ikaw ang sagot, "valentines", "now and forever", theme song namin ng asawa ko yun; Yung kahit isang saglit, yun yung gusto kong kanta kapag hinahatid na ko sa akong hantungan; yung wherever you are favorite ko yun; yung make you feel my love tsaka you are the reason,  yung make you feel my love, gusto ko sana kantahin sa akin ni michelle yun; if ever man na magkaroon ng eulogy sa last lamay ko, gusto ko lahat nang kantang sinulat ko dito pati na yung mga favorite kong kanta mapakinggan kong lahat. 
Ang gusto kong isuot kapag namatay na ako is yung wedding gown ko,  Gusto ko yung mukha ko maganda, ayoko yung hindi na ako makikilala dahil sa sobrang kapal na makeup, yung makeup na parang ikakasal lang.
Yung sa mga lobo sana, gusto ko yung number ng balloon na ipapalipad ay base sa edad ko nang namatay ako. Yung mga social accounts ko, sana maging active pa din sila, in a way na pag reminisce sa mga alaala. Yung mga gamit at damit ko, gusto ko mapakinabangan, if ever na may mga damit akong gustong gamitin ng pamilya ko, ibigay na, yung maayos na damit, yung mga pang alis na damit, pakitago para sa anak ko, para kahit damit lang may maaalala pa din siya sa akin sa paglaki niya, yung mga natirang damit na ayaw gamitin ng family ko, paki-donate na lang sa mga nangangailangan, like sa bagyo or ano mang sakuna. Mas gusto ko kasi na kahit wala na ako, maaalala pa din ako kahit sa damit na lang, lubos ang kasiyahan ko kapag napakinabangan pa din ang mga gamit ko. Yung mga gamit ko like cp at PC, sa mga anak ko lahat mapupunta iyon lahat. Yung mga ginamit Nung Kasal ko like Yung coins, pakisama sa kabaong ko. Hanggat maari sana ay wag nang patagalin pa ang lamay ko, Wala din namang pupunta sa akin kaya sapat na Ang kaunting oras. Para makapagpahinga na din Ang lahat. Ang mahalaga lang naman sakin ay ang pamilya ko at ang mga totoo Kong mga kaibigan. 
If ever na hindi man magawa yung iba or lahat nang mga sinulat ko dito, okay lang, naintindihan ko, pero sana magawa kasi last wish ko na din ito.

Please read this message sa last lamay or sa may simbahan.

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat nang taong pumunta at nakiramay sa pagkawala ko. Salamat sa lahat ng nakaalala at tumulong. Sa aking pamilya, maraming salamat kasi hanggang huli di nyo ako iniwan. Mamimiss ko kayong lahat lalong lalo na si mama. Mama, mahal na mahal kita, wag na wag mong kakalimutan yun, kahit wala na ako lagi pa din akong andito. Tulungan niyo po si mama, especially sa mga kapatid ko, kayo ang umalalay kay mama lalo na ngayong wala na ako. Sa papa ko, mahal na mahal ko po kayo, salamat sa pagbibigay ng kulay at pagmamahl sa buhay ko. Lahat nang masasayang memories, di ko makakalimutan yun, kaya nga lagi akong nag picture at nag video para if ever man mawala ako, may mga alaala akong naiwan na pwede nyong balikan. Mahal na mahal ko kayong lahat. Nawala man ang katawan ko, andito pa din ako, nasa puso at alaala niyo. Humihingi din ako ng patawad sa lahat nang taong nagawa o nasabihan ko nang masama, buong puso akong humihingi ng patawad at sana tanggapin niyo iyon. Mahal na mahal ko kayo asawa ko Kit at sa mga anak ko, Loreea Faye, gingging, and Crisa Kitstine, masakit man sakin na mawala pero ganun talaga, oras ko na. Wag mong pababayaan si anak daddy, wag mong pababayaan ang sarili mo. Mahal na mahal kita, salamat sa walang humpay mong pagmamahal sa akin. Kahit wala na ako, dadalhin ko pa din ang pagmamahal ko sayo kahit san man ako mapadpad. lagi ko namang sinasabi ito, pero di ako magsasawang ipagmalaki at sabihin na napakaswerte ko na minahal mo ako, yung pagmamahal na higit pa sa inaasahan ko. Makakasama ko na din si Ging gong. Sa mga kaibigan at mga kakilala, sa mga dating katrabaho, maraming salamat sa lahat ng masasayang memories natin together. Salamat kasi naging parte kayo ng buhay ko. Sa pamilya ko, wag na kayo masyado malungkot, masaya na ako, kasama ko na sina lolo, Lola, nangni jo at japok, wag kayo mag alala, ikwekwento ko sa kanila lahat ng masasayang memories natin pati yung mga message niyo. Sana maging mas naging meaningful ako sa inyo, gumawa ako ng mabuti at magagandang alaala para maging maganda din ang mga alalang maiiwan ko sa inyo. Hanggang dito na lang, hanggang sa muli. 


Hindi ko alam pero pakiramdam kong nanghihina ako. Pakiramdam kong parang malapit na ako mawala. Ayokong mawala nang hindi nagpapaalam, kaya't hangga't may oras pa ko, gagawin ko na ito.


Message for my cousins (read this when i'm gone)

December 21, 2018
09:32 pm

Ang mensaheng ito ay Kung sakali mang mawala ako sa Di inaasahang panahon at makapag-alam.

AJ and pong
Para sa aking pinaka-magandang pinsan. Ang nag-iisang gorgeous, mahal na mahal ka ni ate, alam mo naman yun. Thank you sa lahat a.joy!! Ikaw yung pinaka-sweet kong pinsan. Mamimiss ko yung mga date natin and yung mga lambing mo sa'kin. Wag ka mag-alala, andito lang si ate para sa'yo kahit wala na ako, support pa din ako all the way. Mahal na mahal kita a.joy, wag pababayaan ang family natin ahh, alam ko namang support ka sa lahat, kaw na din bahala kay mama, please support her. I love you. Lagi ingatan ang sarili. Kaw na din bahala kay Faye chicha. Mamimiss ka ng ate sobraa. Thank you sa nag-uumapaw na love.
Pong, alagaan mo yang si aj ahh. Lagot ka sa akin kapag sinaktan mo yan. Basta mahalin mo lang yang gorgeous namin, okay na ako dun. Wag mong pababayaan yan ahh. Hindi

Alhen
Lhen, miss you. Miss na kitang ka-bonding, yung tulad ng dati. Salamat sa lahat alhen, kasi ikaw yung nagparamdam ng tiwala sa'kin despite na ganito lang naman ako. Salamat sa love mo sa akin kahit malayo ka sa amin, di ka pa din nakakalimot. Salamat sa pag-appreciate sa'kin at sa mga ginagawa ko. Akala ko talaga walang nakaka-appreciate sa lahat ng ginagawa ko, pero heto ka pinaramdam mo sa'kin na appreciated pala ako. Sayang kasi di na ulit tayo magkaka-bonding, pero masaya na din ako s mga memories natin. Mahal na mahal kita alhen. Ingatan ang sarili, wag puro work, rest din. Kayo na bahala kay mama ahh, help her. Love you. 

Shina
Para sa malambing kong pinsan. I love you. Mamimiss kita, sobra, gisto ka pang maka-bonding ni ate kaso wala na ehh, pero ok lang kasi sapat naman na yung mga memories natin together, masaya na si ate na nakasama kita. Kahit di tayo nagkakasama at nag-uusap, ikaw yung sumasalubong sa akin ng warm. Salamat sa sobra sobrang pagmamahal Shina. Mahal na mahal ka ni ate. Patuloy along susuporta sa'yo at sa lahat pa ng mga pangarap mo, dito lang ako. Wag mong pababayaan ang nnay at tatay mo, pati na din mga kapatid mo. Love na love kita. 

Carlo
Insan, ikaw lang yung insan ko na ka-close ko sa mga lalaki. Salamat insan sa pagmamahal, kahit tahimik at boring akong kasama, andyan ka pa din at di ka nakakalimot. Sobrang blessed akong magkaroon ako ng pinsan na katulad mo. Salamat sa lahat insan, di kita makakalimutan. Salamat sa masasayang pagsasama. Alagaan ang sarili at wag makakalimot sa pamilya ahh. Mamimiss kita. Mahal kita Insan. 

Cat
Ang maganda kong pinsan, love you catcat. Mamimiss ka ni ate, mamimiss ko yung kakulitan at lambing mo. Salamat sa lahat cat. Gusto pa kitang maka-bonding. Gusto ko pang makita yung pag bloom mo, na kahit average lang, may madadating din. I know the feeling kaya suportado kita. We are almost the same na hindi matalino but I know, mapagtyatyagaan yan para maabot ang mga pangarap. And kahit wala na ako that time, proud pa din sa'yo si ate and support pa din ako. Always believe in your self, always trust your self, kayang kaya mo yan. Always take care of yourself. Love love tita cattt.

Yoshi
Hi Yoshi. Ang aking matalino with beauty na pinsan. Kahit bata ka pa, kahit di tayo nagkakasama palagi, ramdam ko yung love at sweetness mo kay ate. Salamat Yoshi sa pagpaparamdam ng love, sobrang laking tuwa na yun sa puso ko. Andito lang lagi si ate para suportahan ka, and proud ako sa'yo. Pagpatuloy mo lang yan, i know naman na kayang kaya mong maabot ang pangarap mo. Always support and help your family. Mamimiss kita, love you Yoshi.

Marlon and Michelle
Palon, salamat sa lahat. Salamat sa masasayng alaala. Mamimiss ko yung mga jokes mo, yung pagkanta mo, yung pagiging malambing mo sa akin, sa amin, yung mga pag-aalala mo. Lahat naman ng ginagawa monsa akin, na appreciate ko yun pinsan. Mahal kita marlon, alam ko namng alam mo na yun. Wag nyong pababayaan sina tita at tito. Wag na msyadong pasaway at pasayahin mo palagi ang pamilya mo. Mamimiss kita marlon.
Michelle, salamat sa lahat. Salamat kasi isa ka sa mga nakasama ko, nakakwentuhan at napaglabasan ng sama ng loob para makahinga. Salamat sa mga kulitan at masasayang alaala natin. Mamimiss kita lalong lalo na ying singing voice mo. Patuloy mo pa ding ingatan at mahalin yung pinsan ko at mga anak nyo. Mahal kita Michelle! 

Precy
Preeee, miss na kita. Sayang lang kasi di na tayo makakapag bonding. Salamat sa lahat, sa sobrang masasayang alaala, di ko makakalimutan lahat yun. Minsan di din talaga maiiwasan yung di pagkaka-unawaan, pero salamat kasi naayos naman lahat.  Ganunpaman, alam mo namang love na love kita. Salamat sa pagiging nandyan all the time ever since naman, kahit malayo ka andyan ka pa din, salamat. Labat naman ng ginagawa mo para sa akin, sobra kong na appreciate yun at masaya ako dun. proud ako sa mga na-achieve mo sa buhay. Mamimiss ko lahat ng bondings natin. Mahal kita pre, lagi mong tatandaan yan. Alagaan nyo sina nanay ata tatay nyo ahh. 

Ren and Jana
Para sa pinakapogi kong pinsan. Thank you sa lahat ninong ren, i know na kahit lalaki ka eh love mo si ate, ramdam ko naman yun. Naaalala ko tuloy yung laro natin noon nung bata ka pa. Hehe. Di ko makakalimutan yun kasi yun yung masayang bonding natin. Mahal na mahal ka ni ate. Wag mong pababayaan si nanay ahh. Mamimiss kita ren. Mamimiss ko yung kakulitan mo. 

To my ka chika minute tuwing Gabi Jana. Salamat sa lahat ng mga Araw na magkasama tayo. Ikaw lang Yung taong totoong nakakakilala at nakakaintindi sakin. May mga bagay na Hindi ko akalaing makakatulong din sakin. Salamat sa mga advices at pakikinig mo sa akin, sobrang laking tulong sa akin nun at forever akong grateful sa iyo. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan sa akin. Mahal ka ni ate Jana!

Jeff
Oh tito bebep. Thank you sa love. Mamimiss ko yung kakulitan mo. Isa ka sa nagpapatawa kay ate. Hehe. Mamimiss ko yung mga sayaw mo, yung mga kwento mo. Nakakatuwa lang kasi kahit babae ako, open pa din kayo ni ren na mag-kwento sa akin about your love life and your school life. Nakakatuwa lang kasi you trusted me. Wag mong pababayaan si mama at papa mo, syempre si ate mo, alam ko namang hindi mo talaga sila pababayaan, tapos sweet ka pa. Masaya si ate na nakasama kita. Love you jeffjeff!!

Gio
Ang aking inaanak na pogi, kqhit wala na si ninang, andito pa din si ninang to support you. Sorry if di na kita matutulungan, guatong gusto kitang tulungan, hindi dahil sa ninang mo ako, kundi dahil pinsan kita at mahal kita. Basta andito lang si ninang para sa'yo, si ninong na bahala sa'yo. Tulungan mo sina mommy at daddy mo ha. Wag na masyadong pasaway. Hehe. Pero kahit pasaway ka, love na love ka ninang. 

Khali
Hello tita khali. Alam ko naman na baka hindi mo pa maintindihan ito pero mag-message pa din ako sa'yo. Thabk you tita Khali for loving gingging and be her bestfriend. At least kahit mawala si ate joy, andyan si tita khali for gingging. Love love ka ni ate joy, ang napaka cute at sexy na si tita khali. Help mo lagi sina mommy at daddy ahh. Mamimiss ko ying ka-cute mo at sweetness mo. 

Rhovie
Bengbeng, ang sobrang hyper at makulit kong pinsan pero sobrang sweet din. Naalala ko tuloy nung baby ka pa, yung binubihat pa kita, kahit papano naaalagaan pa kita. Ngayon big boy na tas ang kulit kulit pa. Hehe. Magpakabait kena nanay at tatay. Wag makakalimot sa pamilya lalo na sa parents mo. Mahal na mahal kita kuya rhovie, mamimiss kita. 

Geerho
Sa napaka-cute kong pinsan at inaanak. Sayang kasi baka hindi na makita ni ninang ying paglaki mo. Pero masaya pa din si ninang kasi kahit papano may nagawa pa din si ninang para masaya ka kahit baby ka pa. Masaya ako sa lahat ng memories natin baby. Sobrang mamimiss ka ni ninang, love na love ka ni ninang. Kahit wala na ako, support pa din si ninang sa'yo. Kahit paglaki mo, di mo na ako naaalala, masaya pa din ako kasi ning mga oras na andito pa si ninang, ngiti mo pa lang sapat na. Wag kakalimutan ang family baby ahh. Love you Geerho!!!

Nhat
Sa napaka ganda kong pinsan, i love you. Alam mo namang all the way support ako sa'yo. Mamiss ko lahat ng masasayabg bonding natin. Sayang lang kasi di pa tyo nakakapag bonding dalawa. Pero super blessed naman ako dahil nagkaroon ako ng pinsan na super talented na gaya mo. Hindi nakakalimot sa pamilya at super supportive. Salamat sa lahat cous. Alam ko namang love mo ko. Salamat sa love. Love na love din kita. Kahit wala na ako, support pa din ako sayo. Wag nyong pababayaan sina tito at tita. 

Ryan and mea
Hi pinsan. Salamat sa lahat ahhh. Kahit sa panongin ng iba na maliit na bagay lang yung mga nagawa mo sa akin, para sa akin, napakalaking bagay na yun. Salamat sa paghatid sa amin sa bahay, na di kayo umaalis nina duden at japok hanggat di niyo na make sure na safe kami, na ready kang makipag-basag ulo kapag may nanakit sa amin. Salamat pinsan kasi aobrang na-appreciate ko lahat yun. Mahal kita pinsan.
Mea, salamat sa mga masasayng memories natin together. Di man tayo nagkakasama at nagkaka-bonding, pero yung respect and being part of the family, pinaramdam mo sakin yun ehh. Sobrang laking bagay na yun sa akin. Alagaan mong maigi yung pinsan at mga pamangkin ko ahh. Salamat sa lahat Mea.

Duden and aga
Pinsan kong kaparehas ko nang katawan. Salamat sa pagmamahal pinsan. Salamat sa mga masasayang alala. Salamat sa lahat. Mamimiss ko yung kakulitan mo duden. Mamimiss ko yung mga lambing mo pinsan. Wag mong pababayaan nanay at tatay mo, lahat kayo, tulungan nyo sina nanay at tatay nyo. Andito lang naman ako para sa inyo. Mahal kita pinsan.
Aga, sana sa pagkakataong ito, alagaan at mahalin mo na ng sobra sobra yung pinsan ko at mga anak mo. Kasi bawat problema ng pamilya, apektado ang buong pamilya. Salamat sa masasayang memories natin together. 

James
Sa mga pinsan ko, ikaw yung di ko talaga nakaka-bonding at nakakasama. Pero lagi mong tatandaan na mahal ka ni ate joy. Na kahit ano mang maging plano mo sa life, support lang ako. Alam ko namang kayang kaya mo yan, ikaw pa ba. Basta ba, wag na sobrang pasaway kay nanay at tatay mo. Mamimiss kita pinsan, sayang di na tayo makakapag bonding pero ok lang din kasi masaya pa din akong maging pinsan mo. Wag nyong pababayaan nanay at tatay nyo ahh.



Sunday, December 9, 2018

Message for my lola (read this when i'm gone)

December 10, 2018
12:56 am

Ang mensaheng ito ay Kung sakali mang mawala ako sa Di inaasahang panahon at makapag-alam.

Lola ko, mamimiss ko kayo Lola. Sa pinaka maganda Kong lola. Hinding Hindi ko kayo makakalimutan, salamat po sa lahat lalong lalo na sa pagmamahal na pinaramdam niyo po sa akin ni Lolo. Kayo lang po ni Lolo Ang nag iisang Lolo at Lola ng buhay ko. Punobg puno ako ng pagmamahal niyo Lolo at Lola. Mamimiss ko Yung mga bonding natin Lola dati. Wag mo pababayaan sarili mo Lola, laging iinom ng gamot at susunod asa sinasabi ng doctor. Mahal na Mahal Kita Lola. Sorry po Kung Hindi ako madalas makadalaw dyan. Gustong gusto Kita makasama Lola. Love you po. Makakasama ko na po si Lolo at Japok. Wag po kayong mag alala kasi babantayan ko din po kayo. Mahal na Mahal Kita Lola.

Message to my Auntie's and Uncles (read this when i'm gone)

December 10, 2018
12:32 am

Ang mensaheng ito ay Kung sakali mang mawala ako sa Di inaasahang panahon at makapag-alam.

Tita Athot
Tita, salamat sa lahat ng ginawa mo po sa akin lalong lalo na sa anak ko. Salamat sa mga pangaral at pagmamahal. Ikaw pa din Ang nag-iisa Tita Monster ng buhay ko, monster ka pong mag disiplina pero ginagawa mo Lang po Yun para sa ikakabuti namin. Di kita makakalimutan tita. Mamimiss ko Yung mga luto mo, Yung usapan natin sa kdrama. Tita mamimiss Kita sobra. Wag mong papabayaan Ang sarili mo tita, kapag may nararamdaman na kayong masakit, magpa check up na kayo. Tita, tita, Kaya na po bahala Kay mama. Mahalahal kita. Sorry po, di oo na kayo matutulungan sa bahay, pero lagi naman ako nakabantay San inyo Nina mama. Tita, laging Kong tatandaan na Mahal na Mahal ko po kayo.

Tita Bhong and tito bob
Tita, thank you sa lahat ng tulong at pagmamahal niyo sa akin. Lahat ng efforts na ginagawa nyo ramdam at pinagpapasalamat ko po iyon. Isa ka po sa sobrang supportive tita sa Amin. Thank you po sa pagmamahal. Hinding Hindi ko makakalimutan Yun dito sa puso ko. Mahal na Mahal kita tita Bhong. Pakiusap po tulungan niyo po si Mama. Lagi niyong alagaan Ang sarili niyo. Kung may problem man, kaya mo Yan tita, kahit Wala na ako andito pa din ako para sa'yo. Mahal na Mahal kita Tita!
Tito Bob, thank you po sa lahat. Sa lahat ng care at sa lahat ng pag-aalala na ginawa niyo po sa alin. Di ko makakalimutan yun tito. Forever po akong grateful sa inyo no tita dahil sa pagmamahal niyo po sa akin.

Tita Wheng and tito gaudz
Tittaaaa! Ang laki ng utang na loob ko sa'yo, kayo po Ang nag-alaga sa Amin ni ate nung baby pa kami, nag-sacrifice kayo para sa Amin. Sobrang thank you tita kasi ikaw Yung naging ina namin nung Wala pa si mama. Pasensiya na tita, gusto ko talagang ibalik klying pasasalamat ko sa into pero mukhang hanggang dito na Lang talaga yata ako. Maraming salamat sa lahat tita lalong lalo na sa pagmamahal sa akin at sa anak ko. Mahal na Mahal Kita tita. Alagaan Ang sarili, wag pababayaan Ang sarili ahh. Tita, wag niyong pababayaan si mama huh. Mamimiss Kita tita! I love you tita Wheng!
Tito gaudz, ang witty kong tito, salamat po sa lahat, salamat po sa lahat nang naitulong niyo po sa akin, salamat po sa pagiging cool ko pong tito, salamat po sa pagpaparamdam nang pagmamahal tito, di ko po kayo makakalimutan.

Tita Cel and tito fred
Thank you sa lahat tita at tito. Pinaramdam nyo din sa akin Ang pagmamahal niyo lalong lalo na kapag andyan kami sa mindoro. Di ko makakalimutan nung nag-stay kami dyan nung bakasyon nung mga Bata kami. Di nyo kami pinabayaan at nag-enjoy kami. Mahal na Mahal ko kayo Tita Cell and Tito Fred. Di ko kayo makakalimutan. Sayang, Sana nagkaroon pa po sana Tayo ng madaming memories kaso Wala ng pagkakataon. Lagi niyo pong iingatan Ang mga sarili niyo. Tulungan nyo po si mama ko. Mamimiss ko po kayo.

Tito Alex and tita neth
Para sa pinaka makulit at malambing Kong Tito, salamat sa lahat Tito. Kahit kailan di kayo nakalimot no tita neth. Salamat sa lahat ng tulong lalong lalo na kapag may handaan. Thank you tita neth say pag tulong sa akin, sa birthday, miski panganganak ko andyan kau, thank you talaga tita. Alagaan niyo Ang sarili niyo, wag magpapabaya San health niyo po. Mahal na Mahal ko po kayo Tito Alex and tita neth. Mamimiss ko Yung kakulitan mo Tito. Love you po.

Nongni and nangni
Para sa pinaka astig at pinaka pogi Kong nongni at sa pinamabait at sweet Kong nangni, salamat po sa lahat. Sa pagiging mabait na ninang at Ninong ko. Alam ko pong nandyan po kayo palagi sa akin. Alam ko pong Kung magka-problema man NASA likod ko kayo Ninong at ninang. Salamat sa lahat ng support na binigay niyo sa akin. Mamimiss ko po kayo ng sobra sobra. Mamiss ko Yung pagdating mo nongni dito Sa bahay, Yung Bose's nyo pa lang. Mamimiss ko Yung mga luto mo nangni. Mahal ko po kayo. Wag niyo pong papabayaan si mama. Love you po.




Message for my Mama (read this when i'm gone)

December 9, 2018
11:54 pm

Ang mensahe na ito ay Kung sakali mang mawala ako sa Di inaasahang panahon at makapagpa-alam ako.

Mama, ngayon pa lang gusto ko ng sabihin na miss na miss na Kita. Huwag na huwag mong pababayaan Ang sarili mo, Lalo na ngayong Wala na ako. Alagaan niyo Ang health niyo, wag masaydong magpapaka-stress, uminom ng gamot sa tamang oras, most importantly find ways to be happy. Kayo na po Ang bahala Kay anak.

Me, myself, I really can't make you happy. I really want to see you smile, but all I can see in your eyes is pagod ka na. I know pagod ka na mama, I'm sorry kasi Wala akong magawa para maibsan Ang pagod mo. Kahit na may way ako para mawala Ang pagod, di ko pa din ginagawa. I am really sorry for that mama. Wala naman akong ninais sa buhay ko kundi makita Kang masaya, Yung tulungan ka. Natatandaan ko pa nga nung tinanong ako Kung ano daw Yung gusto kong gawin kapag lumaki na ako, Ang Sabi ko pag laki ko tutulungan Kita. All my life, I was wondering if Kung ano ba talaga Yung pangarap ko sa buhay, but I think I know na Kung ano Yun, Ang tulungan ka mama. Sorry po Kung Hindi pa din ako gumagawa ng action para tulungan ka. I'm sorry for being low, sorry po Kung mahina ako na tulungan at kuhain Ang responsibility na pinapasan nyo.

Basta mama, maraming salamat sa lahat ng ginawa niyo sa akin at sa pamilya ko. Kulang pa Ang salitang salamat sa laki ng itinulong nyo sa'kin.

Thank you for being my mother, kahit pagbalig-baligtarin man Ang Mundo, ikaw at ikaw pa din Ang pipiliin Kong nanay, kasi walang makakapalit sa'yo, nag-iisa ka sa puso ko mama. Salamat sa pagiging nanay at Tatay sa Amin ni ate. Salamat sa pagiging strong mo mama. Salamat Kay Lord kasi napaka-swerte ko kasi Isa ako sa mga anak mo. 

Lagi mong tatandaan mama, na Mahal na Mahal na Mahal kita, lagi Kang NASA puso ko mama. Lagi mo pong iingatan Ang sarili mo. Kahit kailan hindi ka nagkulang ng pagmamahal sa amin, sobra sobra pa nga.

Mama, salamat sa lahat ng pagsusumikap para sa amin. Proud na proud ako sa'yo mama. Sana kahit wala na ako gusto ko tibayan niyo ang loob niyo, wag magpapabaya sa sarili. Nawala man ako pero lagi pa din ako sa tabi mo mama. Lagi kang nasa puso't isip ko. Hindi ko makakalimutan yung pagmamahal na pinaramdam niyo sa amin, na kahit nung una mag-isa lang kayo, kinaya niyo pa din. Thank you Lord for giving us the greatest blessing in my life, my mother.

Wag kayong masyadong magpaka-stress at malungkot sobra. kasi andito lng ako palagi sa inyo, di kita iiwan mama. Andito lang ako sa likod mo sa bawat gagawin at pagdadaanan mo. Mahal na mahal po kita mama.