01/21/12
“Pag-asa para sa Kinabukasan”
Sa lahat nang nagyari sa buhay
ko, ang tanong ko, bakit ako pa? Bakit ako pa? Pinilkit kong magpakabuti pero
sa lahat lahat na iyon, ako pa ang binigyan ng problemang ito. Masakit, masakit
tanggapin na kahit anong oras, baka mawala ka na, di moa lam kung abutin ko po
ang bukas. Ngayon ko lang nakikita yung mga simpleng bagay na di natin
pinapansin, malaking bagay nap ala. Yung ganda ng tanawin, mga alon sa dagat,
ang hagpas ng hangin sa iyong mukha. Nakakaiyak kasi baka bukas di ko na
maranasan ang mumunting paraiso na ito. Madaming naka-suporta sa’yo sa mga oras
na ito. Pero alam kong sa loob nila, umiiyak na sila, pinapalakas nila ang loob
ko para labanan ang sakit na ito. Nawawalan na ako ng pag-asa pero yung mga
mahal ko sa buhay ang nagbibigay ng lakas at pag-asa ppara ipagpapatuloy ang
paglaban. Madalas kong kinakausap ang Diyos, nakikiusap akong huwag niya muna
kong kuhain pero kung ito talaga ang kapalaran ko, lubos ko itong tatanggapin.
Masayang mabuhay sa mundo, masayang makita ang mga ngiti ng bawat isa sa atin.
Gusto kong makita ang pag-sikat ng araw sa bawat bukas na meron pa ako. Kahit
ganito ang nangyari sa akin, masasabi kong swerte ako, kasi naranasan kong
mabuhay sa mundong ito dahil sa mundong ito, dahil sa Panginoon natin.
No comments:
Post a Comment