Thursday, September 2, 2010

"Dahilan ng Kalungkutan"

March 14, 2010

"Dahilan ng Kalungkutan"

Madami ng nakakapuna, marami na ang nagbibigay ng reaksyon ukol sa mga kinikilos ko. Sa bawat kilos ng bawat isa, nalalaman natin kung ano ang isang karakter ng taong ito. Kadalasan, nasasabi nilang "emo" daw ako, sa mga kinikilos ko daw, pinapakita kong ganito talaga ako. Tahimik lang ako, laging napapatulala, alging may iniisip, nawawala ako sa usapan namin. Napapadalas ang pag-uugali kong ito. Dahil sa mga pangyayaring ito, may mga naidudulot itong kalungkutan sakin. Kung sa bagay, napaka negative ko talagang mag-isip, gusto kong maging matapang ngunti hindi ko magawa, mahina ang akin loob.

"Pag-unawa sa mga Pangyayaring ating Nadarama"

 August 26, 2010

"Pag-unawa sa mga Pangyayaring ating Nadarama"

     Kung minsan, di natin mapigilan ang ating sariling mailabas ang ating tunay na nararamdaman. May mabuti at masamang epekto ang naidudulot nito sa'tin at sa mga taong nakakasalamuha natin. Masama dahil ang sobrang paglabas ng iyong nararamdaman ay kung minsan, di kaaya-ayang ipakita sa iba, nagdududlot ito ng hindi magandang pakikipag-ugnayan sa kanila. Maganda kasi nailabas mo ang tunay mong nararamdaman, wala ka nang kinikimkim at tinitiis pa, galit, puot, pagmamahal, pagkaasar, at kung anu-ano pang nararamdaman natin. Nang dahil dito, kung minsan, nailalagay tayo nito sa kapahamakan. Lagi mong iisipin na dapat may kontrol tayo sa bawat pagpapakita natin ng ating nadarama. Hindi lang naman tayo ang maapektuhan nito, kundi ang mga taong nakakasama natin. May panahon pa para baguhin ang lahat ng mga pagkakamaling ito. Laging tandaan na nandiyan ang Diyos para tulungan tayo. Maaaring huli na ang lahat pero hindi naman huli para baguhin at pagsisihan ang mga bagay na laam nbating mali, "JOY-CHAN!normal lang yang nararamdaman mo, next time, kontrolin mo na lang sarili mo..GOD BLESS US!"

"Mapagmatyag"

 January 28, 2010

"Mapagmatyag"

     Lulan sa aking mga mapagmatyag na mata, bawat kilos at mga damdaming ipinapakita ng bawat isa sa ati'y lahat ay may ibig sabihin. Isip..Isip lang ng isip habang nakapikit ang mga mata . lumalabas ang mga ideya at mga konklusyon sa aking utak. Madami akong napapansin, madaming mga katanungan, bakit ganoon? bakit ganyan? paano? Pero, may isang nakaagaw ng aking pansin, ayun ang pakikisama natin sa mga tao ayon sa ating mga nararamdaman, miski ako ganoon din. Kung isipin mo, halos lahat ng oras nais nating may makausap, pag masaya ka, pag malungkot at iba-iba pang mga pakiramdam. Naghahanap tayo ng isang taong alam nating pag ikinuwento natin iyon o sumama ka sa kanya, maiintindihan ka nya at sumasang-ayon siya sa'yo. Unahin na natin ang pagiging malungkot, kapag kailangan natin ng makakausap andyan ang mga taong handang makinig sa'yo. Ngunit mas komportable at gumagaan ang loob mo kung doon ka sa isang taong makakasang-ayon. Iba't iba ang ugali ng mga tao, iba't ibang pagkatao, may masayahin, may tahimik, may madadaldal, may puro kalokohan, kung iisahin ko pa ang lahat ng ito, baka di na ko matapos sa pagsusulat. Iyon ang gusto kong sabihin, bumalik na ulit tayo sa pagiging malungkot, kung kakausapin mo din ang taong malangkutin, tiyak namang maiintindihan at sasang-ayon sya sa'yo. Kung ikaw naman ay masayahin o gustong laging masaya, sasama ka naman sa mga taong mapagbiro at masasaya, sa ganoong paraan, mapapasaya ka nila. Ngayon, kung iisipin mo, ang mga taong tahimik at malulungkot unti lang ang mga kaibigan. Nakakalungkot pero ganun talaga. Alam kong pwede kang sumang-ayon at hindi sumang-ayon sa aking sinasabi. Pero sabi nga ng iba, hindi tama at hindi mali ang isang opinyon. Subukan nyo ding magmatyag, maaring sumang-ayon kayo sakin. Depende iyon sa itong paniniwala at nararamdaman.

"Kakaibang Damdamin"

 January 26, 2010

"Kakaibang Damdamin"

   Labdab....Labdab...Labdab..Tumitibok ang aking puso, ito'y aking pinapakinggan habang ako'y nakapikit. Labdab....Labdab...Labdab.. Damdamin? Ano nga ba ang nararamdaman ko ng mga panahong yaon? Nang mga oras na iyon, ika'y malapit sakin..Labdab....Labdab...Bakit tila mabilis ang tibok ng aking puso?Masaya ako tuwing nakikita ka, hindi ko alam pero ako'y napapangiti, bigal akong sumisigla at sumasaya. Lahat naman ng mga masasayang aking nararamdaman ay may lungkot na kaakibat. Hindi ka sakin, sapat na sa aking makita kang nakangiti, sa ngiting yaon, binubuo mo ang araw ko. Habang katabi kita, inisip ko ang dating tayo, naiisip kong sana akin ka na lang, iniisip kong hawak hawak mo ang aking kamay at ika'y nakangiti sa'kin. Kay sarap isipin pero hanggang pangarap na lang iyon, pagmamay-ari ka na ng iba at hindi na kita makukuha pa. Eto lang ang masasabi ko, makita lang kitang masaya, kahit hindi ka akin, masaya na din ako, Huwag na HUwag mong aalisin yung mga ngiting iyan sa labi mo dahil madaming magagawa yan lalo na sa akin.:)

"Di Inaasahang Sakit sa Damdamin"

January 22, 2010

"Di Inaasahang Sakit sa Damdamin"

Paano kung isang araw, yung mga taong nagiging sandigan at lakas mo ang humihila sa iyo pababa, anong gagawin mo?Sa mga oras na ito, ito ang nagyayari sakin. Wala akong magawa kundi ang umiyak at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Wala akong masabihan ni isa sa kanila tungkol sa mga pighating aking nararamdaman, hindi ko alam pag nakatalikod ako, tsaka nila ako sinasaksak ng mga masasakit na salitang dumudurog sa aking puso. Wala pa din akong magawa kundi umiyak, kahit nais kong ipaglaban ang sarili, hindi ko magawa dahil mahal ko sila at ayaw kong lumala pa ang problemang ito. Wala  akong magawa kundi tiisin lahat ng pangungutyang ibinabato nila sakin. Ang hindi ko lang matanggap, ang pamilya ko pa ang sumasakit/nananakit sakin ng ganito. Sabi nga nila, hindi naman tayo masasaktan ng mga taong sumasaktan sa'tin kung hindi natin sila mahal. Madalas kong iniisip, sana may malalang sakit na lang ako, kung saan unti na lang ang mga natitra kong araw sa mundong ibabaw. Kung magkaganon man, alam kong sa unting araw na yaon, mararamdaman ko na ang kanilang pagmamahal, hindi na nila ako masasaktan. "Nasasaktan ako!Tama na!", ang sigaw ng aking pusong maramdamin.

"Mga Nasayang na Ideya"


December 26, 2009
 "Mga Nasayang na Ideya"

       Ilang araw na din ang lumipas, maddaming ideya na ang lumipas at nasayang. Sa pagkakataong ito, hindi ko na ito sasayangin, muli ulit akong magsusulat. Datapwa't ngayo'y unting ideya lamang ang pumapasok sa aking isipan, ipagpapatuloy ko pa din ang pagsusulat.
       Ang pagsusulat ang isa sa mga nagbibigay sakin ng kaligayahan at nagpapagaan ng loob ko. Madami sa atin ang gumagamit ng estratehiyang ito para mailabas na din ang ating nararamdaman, ito ay ang paraang pagsusulat. Kung iisipin mo ito, minsan nakakatamad magbasa ng mga obrang katulad ng ginagawa ko, yung tipong pinamamahagi mo ikinukwento yung mga istorya at yung mga nangyayari sa ating buhay, Hindi ko nilalahat ang mga taong may ganitong paniniwala. Kung minsan kasi ganito ako, magkaganon man, napagtanto kong hindi naman pala nakakatamad ito, mas maganda ngang nagbabasa tayo dahil mas madami tayong matututuhan at maihahalintulad natin ang iba sa kanilang karanasan na katulad sa atin.
Para sa akin, napakagandang ipinapamahagi natin ang ating mga karanasan. Sa araw-araw na ginawa ng ating Panginoon, lagi kong ikinikwento ang mga nangyayari sa akin. Alam kong nagsasawa na silang pakinggan ang mga kwento pero gusto gusto ko pa din itong ikwento.
Lahat naman tayo'y may nagagawang mali, kung bibilangin natin ito, sobarng rami na talaga at hindi na natin mabilang ang nagagawa nating pagkakamali. Hindi ko alam kung pagkakamali ito o wala lang. Madalas na pinipigilan ko ang mga ideyang aking naiisip. Mahirap isipin kung pano ko ito nagagawa pero nakakaya ko. Napagtanto kong mali ito, sayang ang mga ideyang ito, madami na kong nasayang, kung minsan kasi, madalas pala na nanghihinayang ako sa mga ideyang ito kaya pinipigilan ko ito, pero mas tama palang hindi ito pinipigilan. Hayaan ang mga ideyang sumabog at lumabas sa iyong isipan. Kahit na ito'y hindi maisulat at maalala, masisigurado kong may aral itong hatid sa atin.

"Kawalang Pag-asa"


 "Kawalang Pag-asa"

   Mukhang magwawakas na ang aking mundo. Unti-unti na akong nilalamon ng kawalang pag-asa. Nalulungkot at nanlulumo ang puso ko sa mga pangyayaring kinakaharap ko ngayon. Makakaya ko pa ba ito? o susuko na lang ako ng walang ginagawa? Napakasakit naman nitong nangyayari sa'kin. Pero, kung iisipin mo ng lubusan, hindi pa ito ganun kasobrang  kahirap, para ka lang nagbubuhat ng krus mo at ang krus mo ang sumisimbulo ng mga problemang kinakaharap mo ngayon sa iyong buhay. May isang kwento sa bibliya kung saan sinasabi nitong may isang taong nagbubuhat ng krus nya, para sa kanya, ito'y napakalaki at napakabigat kung kaya't humiling sya sa ating Panginoon na palitan ang krus nya ng mas maliit. Pinagbigyan naman siya ng Diyos.  Natupad ang gusto nyang mangyari, pinili nya ang pinakamaliit at pinakamagaan na krus, nakita nya na nagbubuhat ng krus o kanya-kanyang krus, mas malaki at mas mabigat pa ito kesa sa kanya, dun na pumasok sa kanyang isip na mas higit na magaan at maliit ang mga problemang kanbyang kinakaharap kesa sa iba at kahit na mabiga6t ang dinadala ng iba ay kinakaya nya pa din yun. Isa lang ang ibig sabihin nito, na hindi kailangang sumuko at manlumo! Kelangan nating lumaban at humarap ng matapang sa mga problemang sumusubok sa ating ngayon! Kaya natin to.. Hindi naman ito ibibigay ng Diyos, kung hindi natin kaya. Don't lose hope! Always think positive...LABAN!