02/25/11 09:56 pm
“Magpahanggang Ngayon”
Buong buhay ko, bihira na akong
sumaya. Simula pagkabata ko, alam ko na kung anong ibig sabihin nang nag-iisa,
nalulungkot at sama ng loob. Nalaman koi to dahil naramdamam koi to.
Napakasaklap na maramdaman koi to kaagad nang bata pa ako. Hindi ako sumaya sa
pamilya ko. Para silang mga plastik, kapag nasa harapan ng tao, ang bait bait
nila, ang gandala nilang makitungo pero kapag di na nakaharap, kung anu-ano na
sinasabi nila. Kami-kami na nga lang ang magka-kapamilya pero nagkakaroon pa
din nang paghuhusga. Bakit ganun? Di ko alam kung pero nagbubulag-bulagan sila
sa mga pangyayaring ito. Sa mga panahong ito, alam kong may mali ako. Di ko
alam kung paano ako hihingi ng tawad. Binalak kong magpakamatay dahil sa
sobrang depresyon, di ko sinasadyang magawa ito. Panginoon ko, patawarin nyo po
ako sa ginawa kong ito. Ikaw lang nakakaintindi at nagmamahal sa akin. Mahal ko
po kayo!
No comments:
Post a Comment