Wednesday, March 23, 2011

"NABABAGABAG"


February 15, 2010

"Nababagabag"

Ipinikit ang mga mata pero lalong pumapasok sa aking isipan lahat. Ibang klase akong tao, ako yung tao na parang di mo nanaising makasama. Sa lahat ng pagkakataon, tahimik lang ako, laging may naiisip/nag-iisip ang lagi mong mababakas sa aking mukha. Eto na naman, bakit ganito na naman ang aking nararamdaman? Wah! Para akong laging may buhat buhat na mabigat. Bihira mo akong makitang nakangiti at masaya, laging lungkot ang bakas sa aking mukha. Hindi ko kayang sumabay sa mga gimik ng mga taong nasa paligid ko. Tahimik. Sssshhh! Ang nasasambit ko na lamang sa kanila, "Parang di kayo nasanay sa'kin, ganito na talaga ako". Hindi ko alam kung bakit may bumabagabag sa aking puso. Hindi ko mahanap kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Hindi maganda, yan ang aking nararamdaman. Parng may sinasabi ang aking puso pero hindi ko siya maintindihan. Umiyak na lang kaya ako? Sa dami dami nang mga pinagdadaanan kong mga problemang emosyonal, kelangan ko itong iiyak. Simple lang ako, Oo! matampuhin ako pero kahit kailan, di ko kayang magtiis o tiisin ang isang taong mahal ko. Sobra akong magmahal kung kaya't sobra din akong masaktan. Nanghihina! yan ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito? Nalilito ako! Wah! Bakit ganito? Oo! wala akong maipagmamalaki, hindi ako maganda, hindi matalino, hindi marunong sa sports, hindi marunong sumayaw, mahina pagdating sa larangan ng edukasyon. Magkaganun man, tao pa din ako, kelangang igalang at respetuhin. May pangarap ako sa king buhay, gusto ko lang maging masrap ang buhay ng aking INA, kapag nanatiling ganun ang buhay ng aking pinakamamahal, kahit humimlay na ako, masaya at kjuntento na ako. Gusto kong isa ako sa mga taong magpapagaan at magpapasaya sa buhay ng aking nanay. SIMPLe lang pero MAHIRAP abutin. Pangarap sa aking sarili? siguro plano sa mga dadating pang araw at kasalukuyan, meron, pero sa pangarap? yun lang ang pangarap ko, yung sa nanay ko. Masaya na ako, mahalin lang ako at tanggapin.





"TINATAGONG DAMDAMIN"


September 29, 2009

"Tinatagong Damdamin"

Bakit hindi mapakali? Sobrang gulong gulo, itong aking puso na nag-iisa. Bakit ganoon ang nangyari sakin? Siguro nga'y ito'y karma na din. Nagmahal ako ngunit ngayo'y di sya sakin. Alam ko namang ito'y aking kasalanan. Kung nung una pa lang tinanggap ko na sya edi sana'y masaya na din ako ngayon sa piling nya. Ang nararamdaman ko ngayon ay sobrang sakit, gusto kong iparamdam ang pagmamahal na naiitago ngunit ngayo'y wala ng karapatan.

"ANG AKING MGA KINIKIMKIM"

 
September 04, 2009

"Ang aking mga Kinikimkim"

Sa mga oras na'to, pilitin ko mang matulog pero di pa din ako pinapatahimik ng aking kalooban. Pilitin mang kalimutan ngunit lalo itong nagpapaalala. Ayoko na! Tama na! Para na kong sasabog kapag pinilit pa. Halos gumigilid gilid na ang aking mga luha sa aking mga mata. Wari'y nagpapakita ng kawalang pag-asa. Ano ba talaga ang misyon ko sa mundong ito? Marami pa. Kailangan ko kayo pero hindi ko kayo makita, marinig at maramdaman! Anong gagawin 'ko? Hindi ko na kaya, iiiyak ko na lamang ito. Sa mga panahong kelangan ko kaya! Asan kayo? Kesa pinapalakas at dinamayan niyo ang loob ko, andyan ang paninisi at pagpapamukha sakin na ako'y isang walang kwenta! Piling ko, hindi nyo ko mahal! Minamahal nyo lang ako dahil sa parte lang ako ng pamilyang 'to pero hindi nyo ko tanggap kung ano at sino ako, yan ba ang tinatawag nyong pagmamahal? Dinadaan nyo sa pera! Hindi talaga maiiwasan ang favoritism. Sige, kayo kayo na lang, ganyanan naman ei! Unti-unti na kong nawawala sa pagiging walang malay nyo sa akin. Sa mga pinaparamdam nyo sa'kin, parang gusto ko nang mawala. Mahal nyo ba talaga ako? Iparamdam nyo naman. Sa paraang totoo, yung pagkalinga, pag-aalala at higit sa lahat "PAGMAMAHAL". PANGINOON, BIGYAN NYO PA KO NG LAKAS PARA KAYANIN ANG MGA PROBLEMANG UNTI-UNTI NANG LUMALAMON SA AKING PUSO. SALAMAT PO AT PATAWAD."
 

"ISIP"


August 19, 2009

"Isip"
Hindi man ako magaling at may pagkukulang din, lahat naman tayo'y may karapatang gumawa at magsulat ng mga bagay-bagay na taing naiisip. Hindi man kasing ganda at kasing ayos tulad ng iba, ito nama'y naglalaman ng mga mensaheng may mapapala. Ang ating mga isip ang ating gingamit na intrumento sa paggawa ng isang "maestra". Iba't ibang isip at pananaw ang lumalamon sa ating mundong magulo. Gusto ko ang aking ginagawa, walang pakielam kahit ito'y ipagtabuyan, para sa'kin, lahat ng aking ginagawa'y aking minamahal. Walang taong gustong sila'y maliitin, aminin mong lahat tayo'y gustong napupuri. Kaya't ang masasabi ko lamang, kung ayaw mong gawin sa'yo ang isang bagay na ayaw mo, pwes wag mo din itong gagawin sa kapwa mo. Madaming nilalaman ang ating isipan, madami din itong pwedeng gawin. Gumagaan ang loob ko tuwing ako'y nagsusulat ng mga katulad nito. Lahat ng mga naisusulat ay pinag-iisipan at ipinamamahagi. Bawat salitang nabubuo'y nagsasama sama at nagiging isa, at ang pag iisang yon' ang nagiging salamangka para makabuo ng isang maestrang nagtataglay ng kaibahan. Nagmumula sa aking isipan, hanggang ang aking mga kamay ang sadyang gumagalaw gamit ang bolpen, naipapakita at naipaparamdam ko ang aking mga saloobin.


"PARA SA IYO INAY"


October 20, 2010 12:09 am

 "Para sa Iyo Inay"

Ano ba nag sinisimbulo ng ating mga Ina sa ating buhay? Hindi ba't napakarami? Ang aking nanay, ang aking tanggulan at pinagkukuhaan ng lakas ng loob sa lahat lahat ng mga problemang pinagdadaanan ko ngayon. Dumating ako sa puntong natatakot akong sabihin sa aking Ina ang aking isang problema. Kinimkim ko ito, pero habang umaandar ang oras, lalo akong kinakabahan at nag-aalala. Ayokong malaman pa ng aking Ina, ang mga problemang humaharap sa akin sa iba. Tama sila, sinabi ko sa aking Ina ang aking problema, nakinig sya. Ang tanging nasambit nya ta ang linyang pumasok talaga sa isipan ko ay, " Naiintindihan kita!". Nang narinig ko iyon, kahit sandaling oras lang, nawala ang bigat ng nararamdaman ko, yung mga pag-aalala sa bawat araw kong paggising. MY MOTHER IS MY HEALER. SHE CURE ME WITH HER SIMPLE WORD. Alam nyo, di ko nga lubos maisip kung paano nakakaya ng Mama ko ang lahat ng mga pasanin dito sa bahay at sa mga buhay namin. Siya ang nagtratrabaho para sa amin. Hangang-hang ako sa aking Ina. SHE'S MY IDOL!". Alam naman natin kung gaano kahirap ang buhay pero sa aking Ina, nabibigay nya lahat ng aming mga pangangailangan nang isang simpleng tao. Isa din siyang halimbawa ng isang maituturing na pinakamabait na tao. Walang hinihindian ang nanay ko. Bukas ang kanyang pinto sa mga taong humihingi ng tulong sa kanya. Kung minsan nga lang, sinasamantala na nang iba ang pinapakitang kabaitan ng aking Ina. Tinutulungan din nya ang mga taong sumasakit sa kanya. SOBRA AKONG THANKFUL KASI IKAW ANG MAMA ROSIFE CASTILLO RENONO ANG BINIGAY NI LORD SAKIN BILANG MAGING INA KO. GINAGAWADAN KO ANG AKING MAMA NANG TITULONG "PINAKAMAPAGMAHAL NA INA" AT "MAGANDANG HUWARAN". MAHAL NA MAHALKO PO KAYO!


"TALO"


April 03, 2010

"Talo"

Talo daw ang mga taong naaasar. Para sa'kin talo din ang mgataong di pinapansin at di binibigyan ng importansya. Eto nanaman, nilalamon na naman ako ng kalungkutan. Isa ako sa mgataong nailalabas ang lahat ng sama ng loob sa pamamagitan ngpagsusulat, sa ganitong paraan, kahit papano'y lumuluwag din angpakiramdam ko, kahit na hindi ka sinasagot nito kapag may sinasabi at sinusulat ka sa papel. Ang papel ang nagigingtagapakinig sa iyong nararamdaman, ang panulat naman ang nagiginginstrumento para sya ang magsabi sa papel ng lahat ng ito. Angtotoo nyan, mas gumagaan ang loob ko kapag sinusulat ko lang anglahat, kaysa kapag ikinukwento ko ito sa iba. Di mo alam kung anoang nasa loob nila sa bawat kwento mo sa iyong kalungkutan. Maarikasing hindi nya sinasabi ang tunay nyang reaksyon sa'yong mgasinasabi. Madalas ka bang nakakaramdam ng hindi pagiging parte saiyong mundong ginagalawan? Kung ako ang iyong tatanungin, Oo, sobrang dalas. Iniisip ko na nga lang, sa dami ng mga masasakit, malulungkot at pag-iisang nararamdaman natin, lahat may ibigsabihin, pinaramdam sa atin ito para mas maramdaman natinkunggano kasarap maging masaya. Kung lagi kang nag-iisip ng purokalungkutan o negative, TALO KA! Kelangan lang na dapat madalaskang matapang at di pinaghihinaan ng loob. Huwag kang pumayag nasa mga problema lag na ito, mawawala kahit sandali ang faith mo kay Bro! Maniwala at manalig ka lang sa kanya. Hindi siyamadamot, madalas na sobra pa ag ibinibigay nya sa mga hinihiling mo.