March 18, 2018
10:25 pm - 11:31 pm
"My world, my miserable world"
Lagi ko namang sinasabi dito, noon pa man yung depression ko simula pa nung bata pa ako. And until now di pa din ako nakakawala dun. I assume na depression yung nararamdaman ko; yung pakiramdam mo na lagi kang malungkot, na nag iisa ka lang sa mundo, na walang nakakaintindi sa'yo, na kahit anong gawin mong effort at tulong wala pa din sa kanila. Lahat na lang atang lumalabas sa bibig ko puro negative na lang, kaya walang kumakausap sa'kin, even my family. Kung sa bagay, wala naman taong gustong puro masama ang mapakinggan kasi magdudulot yun ng bad vibes at sisira sa araw nila.
The moment I opened my eyes tuwing gigising ako sa umaga, mapapahinga ka na lang ng malalim, ganun na naman, eto na naman, pero wala kang magagawa kundi gawin lang lahat ng dapat gawin kahit minsan labag na sa loob mo yung ginagawa mo, pero wala kang magagawa, dahil wala kang courage para masabi ang lahat ng dapat mong sabihin, yung mga salitang umiiyak sa loob ng kalooban mo na gustong kumawala sa puso mo pero di mo magawa. At kapag di mo na kayang tiisin ang mga sama ng loob na dala dala mo, mapapaiyak ka na lang sa isang tabi, naghahanap ka ng pedeng makausap, nagbabakasakaling may makinig at dumamay sa sakit nang nararamdaman mo.
Akala ng iba, madali lang yung pinagdadaanan namin, hindi nyo alam ang pakiramdam ng ganito, kung kaya nyong dalhin at lagpasan ang kalungkutan, kami halos malibing na sa hukay ng kalungkutan at di na makaahon pa. Hindi madali sa akin na kalimutan o lagpasan to dahil lahat ng sakit na dinudulot nun, nakatatak na sa puso ko, at kailanman di na maalis un. Hindi ko man maipaliwanag yung nararamdaman ko, sana maipahiwatig ko kung gano ka-miserable yung buhay na meron ako, yung mundong meron ako. Miserableng mundo, hindi dahil sa mga masasamang nangyayari ngayon, miserableng mundo kasi yun ang mundong nabuo ko ng dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman ko.
Mas gusto ko na lang maramdaman yung physical pain kesa emotional pain ang nararamdaman ko. I even try to hurt myself and it gives me happiness, na parang yun na lang yung magagawa mo para i-assure mo yung sarili mo na sa isang hiwa sa pulso, sa pagsabunot mo sa sarili kong buhok, sa pag untog ng sarili mong ulo sa pader, sa pag bigti mo sa sarili mo, na habang nawawalan ka ng hininga kesa sakit physically maramdaman mo, pakiramdam mo nababawasan mo yung sakit na nasa puso mo. For me, that's why kahit masasaktan ako, ginagawa ko pa din yun sa sarili ko, to ease the pain, the pain inside my heart, na kahit saglit lang na sakit na naidudulot sa'kin nun, kapalit nun yung kaligayahan na kahit saglit lang feeling mo nababawasan yung sakit, na ang totoo naman niloloko mo lang yung sarili mo pero pilit mong pinaniniwalaan para kahit pano di ka pa bumitaw, dahil sa nga mahal mo sa buhay na di ka naman mahal.
I hate myself. I know it's really bad to say this, but I really wish na namatay na lang sana ako kesa maramdaman ko yung pain na 'to. We hate ourselves for being like this, na laging nakakaramdam ng lungkot, na laging negative ang iniisip at sinasabi, for being so weak, for feeling na di na kami na-appreciate kahit anong gawin namin, na na-misunderstood namin yung mga galaw at sinasabi nyo, for being so emotional, for feeling na di nyo kami mahal. We are really not capable to change all of that. We really tried, tried our best to change for the better but kahit anong gawin namin, hinihila pa din kami sa posisyon na ito. If you ask me, I really want to change, I really want to become a more better person, but evertime I tried, bumabagsak pa din ako sa kung sino talaga ako, bumabagsak pa din ako sa mundong di na maaalis sa'kin. Madali lang sabihin pero para sa amin, napakahirap gawin, sobrang hirap.
Sana sa bawat salitang binabanggit namin, binibigyan nyo ng pansin. Bago pa namin masabi yun, humuhugot kami ng lakas ng loob para makapagsalita at makapag-open kami sa inyo. Dahil hindi namin ginustobg maging ganito kami, never namin ginusto na maging ganito kaming tao. Minsan inaabot kami ng hindi lang araw, linggo, buwan, taon at dekada bago namin masabi yung nararamdaman namin. Na halos binibigay namin yung kakarampot na lakas ng loob na yun para kausapin ka, tapos babalewalain mo lang kami. Masakit, sobrang sakit na sa kakaunting lakas ng loob na yun, yung kakaunti nanyun, yun na yung buong lakas na meron kami para makipag-ugnay sa inyo binalewala nyo pa. Sana bigyan nyo din kami ng halaga at importansya ang mga katulad namin, OO, madalas na gusto namin na mag-isa pero di ibig sabihin nun iiwan at hahayaan nyo na kami, minsan kabaligtaran nun ang gusto namin, walang taong gustong mag-isa, gusto namin ng makakasama at makakadamay.
May mga pagkakataong gusto talaga naming mapag-isa, lahat naman tayo may oras talaga na gusto natin yun, sa mga katulad namin mas gusto namin yung ganung pakiramdam, na nag iisa lang kami, at yun ang di ko maipaliwanag na dahilan kung bakit gusto namin yun. Basta gusto lang namin mag-isa, magnilay-nilay na usually naming ginagawa. Madalas kasi na nahihirapan ako makipag-communicate sa ibang tao, na kailangan ko pa kung pano magiging flow ng usapan namin, na nagplaplano pa ako kung pano say kausapin. Di ko alam ang sasabihin sa kanya, madalas ngumingiti ka na lang sa kanya kasi wala ka na masabi. Kaya tumatahimik ka na lang at makikinig ka na lang sa mga sinasabi niya, na miski yung reaction mo sa sinabi niya di mo alam kung ano ipapakita mo. Mas gusto mobg makinig kesa magsalita.