Monday, July 10, 2023

I want love

 July 11, 2023 5:16PM

Bakit kaya nararanasan ng Isang tao na Yung taong sobrang mahal mo, parang Hindi ka na mahal? Parang di ka na gusto? Ayaw ka na niyang katabi? Di ka na din niya niyayakap at hinahalikan. Kahit alam nyang di ka mapapakali at makakatulog kapag di mo sya katabi? Ang dahilan mainit daw? Tuwing ganyan siya, pakiramdam ko ang pangit pangit ko, ang baho baho ko, ang taba taba ko. Ano bang mali sa akin bakit ayaw niya na akong katabi? Bakit natitiis nilang makatulog ng mahimbing kahit na Yung partner nila di makatulog? Bakit Ganon? Npapagod na ako. Gusto ko lang ng taong magmamahal sakin, tanggap ako at Hindi ako iiwan kahit Anong mangyari. Minsan napapaisip na din ako kung Tama ba talaga Yung taong minahal ko kasi maraming bagay ang ayoko talaga na ginagawa niya. Alam ko na dapat di ako humihingi o umaasa sa pagmamahal niya pero ang hirap hirap intindihin kapag ganyan siya. Alam nya ba Yung pakiramdam ng ginagawa niya sa akin? Alam niya ba kung gaano nakakadurog ng puso Yung ganitong pakiramdam? Maikli lang ang Buhay, dapat nagmamahalan lang tayo. Kung ganito lang Yung mararamdaman ko, gusto ko na lang maglaho. Gusto ko lang ng pagmamahal at buong pamilya. Mahirap ba Yun? I want love. Unti unti mong inaalis Yung pagmamahal ko sayo. Unti unti mong binabawasan Yung rason ng pagmamahal. Ikaw Ang magiging dahilan kung ano Ang magiging ako na baka di ka na mahal. Napapagod din ako. Ikaw Ang dahilan bakit mawawala Yung pagmamahalan. Wag mo nang paabutin sa point na Wala ka nang magagawa para ibalik Yung love na nawala. Wag mo nang paabutin na pagod at suko na ako sa pagbabalewala mo sa akin. 

Wednesday, July 5, 2023

Don't leave me alone

 July 5, 2023 4PM

Wag mo akong iiwan mag-isa. Wag mo Kong iiwan. Yan ang parating maririnig mo sa akin. Hinang Hina na ako. Pagod na pagod na ako. Yung may Kasama lang ako, Yun Yung makakatulong sa akin para di mapagod, para di manghina. Iniiwan mo pa din ako mag-isa. Lutang na lutang na ako. Masama ang pakiramdam ko. Para akong may sakit na di ko malaman. Nahihilo ako. Nakatulala. At kapag nakikita mo akong nagkaka-ganito, Ikaw pa nagagalit. Kesa yakapin at lambingin mo ako. Nagagalit ka sa akin, pinaparamdam mong isa akong walang kwentang tao, taong di mo maaasahan, iiwan mo ako mag isa. Nababadtrip ka, nagagalit ka, naiinis ka.

 Wag mo Kong Iwan. Gusto ko lang ng Kasama. Kahit Wala Kang Gawin, gusto ko na lang ng makakasama. Nagpakatatag ako hanggang ngayon. Sa lahat ng masasamang nangyari sa akin, pinili Kong magpakatatag. Pinili Kong bumangon kahit sobrang hirap. Pinili Kong balewalain Yung nararamdaman at pagod ko kasi kailangan, kasi kailangan nang magpatuloy. 

Wag mo akong Iwan. Mahirap bang Gawin Yun? Hindi ko alam kung ano Yung naiisip at nararamdaman mo pero valid ba Yun para ganito ipa-ramdam mo sa akin? Hindi pa ba ako naging strong at nagpakumbaba despite nang lahat ng nangayari? Hindi na ako nagsalita pa. Tumahimik na lang ako pero bakit Ikaw pa ang Galit? Bakit parang ako ung may nagawang masama? Bakit parang ako Yung masama? Di ko na alam kung paano pa magpakatatag. Di ko na alam kung ano pa ang gagawin Kong pag iintindi sa lahat ng mga nangyayari. Di ko na ata kaya. Miski katawan ko di na din kinakaya. Nagsasabi ako pero parang Wala lang sa'yo. Hindi ko alam pero nararamdaman Kong malapit na ako. Siguro nga mas okay na Yun para matapos at mawala na tong paghihirap ko. 



Monday, July 3, 2023

I want peace

 June 17, 2023 6:05pm


Mapapatingin ka na lang sa ulap. Mapapaisip at mapapatanong ka na lang bakit. Bakit? Bakit kasi di mo din alam kung bakit. Di mo din alam bakit mo nararamdaman ito ngayon. Minsan talaga may pagkakataong mararamdaman mo na lang na kahit gaano ka nagpakatatag at nagpaka-strong. Dadating din pala Yung Oras na manghihina ka, na maiiyak ka na lang, Hindi sa walang dahilan, maraming dahilan pero Nung mga Oras na dapat umiiyak ka, di mo na nagawa dahil kailangang unahin ang mga bagay kesa sa nararamdaman mo. 

Gusto mo na lang tumahimik, gusto mo na lang walang Gawin, gusto mo nang tahimik, nanghihina ka.