Sunday, January 12, 2025

The pain

 1/12/25 7:27pm


I am so fucking tired. Gusto ko umiyak pero di ko magawa. Pangalawang araw na siyang di ako kinikibo at di tinutulungan sa mga Gawain at pag-aalaga ng bata. Ang unfair! Kapag tatay ang nagalit at magtampo, hahayaan ka nilang Gawin mo ang lahat kahit na parehas lang kayong nagtra-trabaho, kahit parehas kayong nagdadala ng pera para sa pamilya nyo. Samantalang ang nanay, kapag siya ang nagalit at magtampo, gagawin pa din Niya lahat, kahit sobrang bigat ng nararamdaman, magkukunwaring okay ang lahat para di mapansin ng mga anak nyo na may samaan kayo ng loob. Titiisin at kikimkimin mo Yung nararamdaman mo kahit para ka nang mababaliw sa sakit at hirap. Nakakasuko sa totoo lang. Bakit ba Kasi ang bobo ko? Kita ko naman lahat una pa lang pero nagpakabulag ako dahil sa pagmamahal. Tas Ngayon eto ipaparanas sa akin. Ganun naman ata talaga kapag tumatagal kayo. Kaya ka na niyang balewalain, Hindi ka na Niya susuyuin, hahayaan ka na lang mag Isa. Parang sana di ka na lang mag-asawa kung ganito lang din Pala nangyayari. Wag nang magtataka kung bakit ayaw ko nang dagdagan pa ang mga anak ko, dahil Ngayon pa lang, Wala na, sobrang hirap na. Gusto ko nang maglaho. Gusto ko nang saksakin Yung dibdib ko ng kutsilyo na galing sa kusina. Gusto ko nang magpahinga. 

Thursday, December 26, 2024

It's heavy

December 26, 2024 5:53 PM

Pagod na pagod na pagod ako. Na Hindi naiintindihan ng kahit na sino, miski ng Asawa ko. Everytime sasabihin ko na pagod ako, ibabalik Niya kaagad Yung pagod Niya. Na parehas lang kaming napapagod, na Hindi lang ako ang Taong napapagod sa buong Mundo. Gets ko Yung pagod Niya, pero sana gets Niya din ang pagod ko. Ngayon, tuwing pasok at bagong Taong, sa Taong Taon na lang, mag-aaeay kami, sisigawan Niya ako, ipaparamdam sa akin na Isa along masamang Asawa at Ina sa kanila. Hindi ako perpektong Ina, pero pilit Kong kinakaya at ginagawa lahat ng sabay sabay para sa pamilya ko. Pero bawal palang magsabi ng pagod na. Miski perang pinagpaguran ko, Wala ding nagpupunta sa akin. Alam kong higit pa ang kinukuha sa akin pero hinahayaan ko na. Para lang gumaan ang pakiramdam Niya. Hinahayaan ko siyang nakapag pahinga at makatulog. Ni Hindi Niya alam, ako Yung walang tulog, ako Yung paidlip idlip lang, nagtra-trabaho din ako, maglalaba at nag aayos ng bahay. Mahirap magsalita ng mga bagay na gusto mong Sabihin na nahihirapan ka Kasi again ibabalik Niya sa'yo yun. Na kesyo ako lang ba ang nahihirapan. Mahirap din humingo ng tulong at magpasuyo Kaso di naman ginagawa or nakailang Sabi ka na Bago Gawin, madalas Hindi talaga Niya ginagawa. Kaya ang ending, kahit mahirap, gagawa ka ng paraan para Gawin yun kahit alanganin talaga dahil ayaw bumitaw ng anak ko sa akin, all the time. Kaya di ko magawa ang mga bagay na dapat Gawin, ultimo pagkain at pagligo. Pag ginawa mo naman nagagalit siya Kasi bat mo daw ginawa, eh Hindi nya nga ginagawa. Mga bagay na Hindi nya napapansin, na Akala Niya natutulungan ka Niya fully at magaan ang pakiramdam mo.  Laging nanghihina, laging masakit ang ulo at katawan. Kung anu ano pang pinapasok sa isip ko. Ang ending Ikaw Ang masama. Tumatahimik na ako, pero ginagawa pa din ng dahilan para lang siguro masigawan ka o gumaan pakiramdam Niya, para may ma blame siya. Para na ako g nauupos na kandila sa nararamdaman ko physically and emotionally. Nagbago siya,  lagi siyang Galit, laging nakasigaw. Natatakot na ako sa kanya. Wala ka nang sinabing Hindi masama sa kanya. Saan ang magaan ang pakiramdam? Saan ang nakakatulong at nakakapagpahinga? Imulat mo mga mata mo. Maling Akala. Ikaw Ang nakakapagpahinga at nakakatulong ng mahaba. Wala naman problema dun pero sana naiintindihan mo nararamdaman ng Isang ibang katulad ko. Iba talaga Yung pagod na nararamdaman ko, parang may kakaiba talaga. Parang gusto ko na lang mawala Bago matapos ang Taon na ito. Tutal naman Wala naman talagang nagmamahal at umuunawa Sakin. Kuhain mo na lang ako. Pagod na pagod na ako. 

Sunday, July 7, 2024

PPD

 July 7, 2024 2:33pm

Yung di pa tapos Yung PPD mo then Meron na ulit. Oo, post partum depression. Nagka-miscarriage ako April 2023 then nabuntis ulit ako and thankfully nanganak ngayong may 2024. Pero after Kong manganak, simula Nung umuwi na ako sa bahay, I feel empty. I chose him because I want to be happy. Pero I can't make him happy and that's crushing me inside. It seems na killjoy ako sa lahat ng taong mahal ko at nakapalihgid sa akin. At first, they are here beside me, listening and trying to understand me. But later on, Wala na sila and they can't understand what I really feel. Alam ko naman bakit bigla silang Nawawalan, it's just that di ko lang matanggap na mawawala na naman Yung mga taong pinapahalagahan ko, Yung mga taong akala ko nakakaintindi na sa akin, Yung mga taong akala ko mahal ako. Di ko sila masisi. As I always saying, ayaw Kong madamay o ma-share Yung negativity ko sa iba. Minsan nilalayo ko na din sarili ko sa lahat, I'm afraid to have friends kasi mawawala din naman sila. Miski family ko, Wala ding gumugusto sa akin, yes you read it right, miski nanay ko. It feels like I am just a burden sa kasiyahan at buhay nila. I am the misunderstood one. It is really hard for me to explain at make them feel what I say or did that. But para sa kanilang ikakabuti iyon. Sanay naman na ako, Wala naman talagang gumugusto sa akin. Kaya nasa isip ko, sana di na lang ako pinanganak, sana di na.lang kami kambal. Para di ako nagiging cause ng problema or asar nila. I didn't ask for my life but I am here now. If alam lang nila kung gaano ko din kaayaw Yung personality at Sarili ko. And I didn't want to be a burden. Hindi ako pakielemera, Minsan akala lang nila or na misunderstood nila na ako Yun. I am so lonely, and I am blaming myself. Ayoko naman talagang humarang sa kasiyahan ng iba, pero Yun ang tingin nila. Tinitiis ko nang mag isa, di maranasan yung mga bagay na masasaya at may kasama ka kasi Wala namang gusto akong kasama, even my child and my husband. Siguro nagsisisi na siya na ako Yung pinili niya kasi feeling niya pinipigilan ko siyang magsaya, feeling niya nilalayo ko siya sa mga tao. Hindi ganun Yun. Okay lang naman talaga sa akin. Noon siguro I am being unfair pero ngayon di na ako ganun. Lago na.lang niyang binabalik Yung past. Ngayon na lang ulit ako nagsalita regarding sa issue na un because I am so exhausted and I really need help this time. And kapag tinuloy nya Yun, di niya ako matutulungan. Wala akong kalakas lakas. I can't even move or do something like eating or peeing dahil Wala akong mapag iwanan Kay baby. Yes I chose this, I know this will happen kapag nag baby ulit kami pero nakalimutan nya din ata na we chose this. nakainom na naman siya kagabi, baka ngayon naman sana matulungan na niya ako kasi para akong nauupos na kandila. Ang nasa isip nya Yung issue pa din dati, na ayaw ko syang maging Masaya, na gusto ko mag isa lang siya. Is he even know I was lonely all along but I really tried to kept it. Kasi ayaw ko nang mag cause ng problem kahit kanino man. Wala na akong pakielam sa lahat nang nangyayari sa bahay na to at sa pamilya na ito kasi everytime magsasalita ako lagi akong na misunderstood. Kesyo ayaw ko silang maging masaya, kesyo kontrabida ako. It's not that, di nyo lang naiintindihan ako. I think mas better na lang na mas tumahimik pa ako. Tutal ever since naman, ako na lang talaga mag isa sa buhay ko, no one else is here for me kasi tingin nila Wala pang ako. Sanay naman na ako mag isa. Sanay na akong maging malungkot. I don't deserve to be happy. Di ko naman gusto na ganun Yung naramdaman nila. All I want is happiness and peace of mind naming lahat. I am also thinking of getting my life, baka in that way matutuldukan na Yung problema nila sa akin, baka in that way di na nila maiisip ako na laging hadlang sa kasiyahan nila kahit di naman. I know masama mag isip nun, pero Anong magagawa ko? Tao lang ako, di kaya ng loob ko na ganun ang naiisip nila sa akin. Mas okay na ako na.lang nahirapan. I really do my best na gawin mag isa lahat pero sometimes I fail. And when I fail shit happens. They gonna blame all to me. Is it because sanay na ako sa disappointments and sadness? Kaya okay lang sa akin ibato lahat? Na umaarte lang ako kapag malungkot at umiiyak ako? How I wish God take my life now para di na ako maging hindrance sa lahat. Tutal naman ilang araw na akong may nightmares. Baka dun talaga ako nababagay sa baba at Hindi sa taas. Too sad because I can't meet my family when I do that. Pero masama bang hangarin Kong mawalan na sila ng problema at iniisip na katulad Kong walang kwenta? 

Wednesday, June 5, 2024

Middle

 

June 5, 2024 7:44pm

As expected being a middle child, tayo talaga Yung di naiintindihan, tayo Yung umuunawa pero di inuunawa, tayo Yung di makatiis, tayo Yung tunay na nagmamahal, tayo Yung nagmamalasakit, tayo Yung nagbibigay ng tulong ng walang kapalit, pero tayo rin Yung nasasaktan at malulungkot dahil sa mga ginagawa natin. Bakit nga ba? Ikaw na Yung naging mabait pero Yung balik sa'yo lahat puro sakit. Yung malinaw na Ikaw Yung Tama at nasasaktan pero iba pa din Yung inunawa at tinulungan. Paano ka na? Ganun na lang Yun? Hindi na naging valid Yung nararamdaman mo. Ikaw na nga Yung naabala tas Ikaw pa din mag adjust. Lahat ng negative sa iyo napunta kahit puro tulong lang ang ginawa mo. Ang unfair ng buhay no? Pero sabi ko nga, mas maigi nang may ganitong puso kesa maging katulad ka nila na walang pakielam sa iba kundi Sarili lang nila. Pero umaabot ka din pala sa Punto na nakakapagod din pala Yung nasa ganito Kang sitwasyon. Taken for granted kahit na Wala Kang ginawa kundi tumulong at magpakatotoo. Minsan ka lang magsabi ng nararamdaman mo kasi alam mong naaapektuhan sila sa sasabihin mo, pero after nun, balik ulit sa dati. Kahit Anong gawin mo talo ka Lalo na kapag pabor sila sa iba at Hindi Ikaw Yung favorite. Oo, tanggap mo na yun. Thankful ka na binuhay ka, pinakain ka, may bahay at binihisan ka, pinagtapos ng pag aaral. Pero Minsan hinahanap mo din kung Anong pakiramdam ng may nag aalala naman sau, Anong pakiramdam ng pagmamahal ng Isang pamilya, ano naman pakiramdam na Ikaw naman ang inuunawa. Pero Hanggang isip na lang Yun dahil kahit kailan di mo mararamdaman Yun. Acceptance na lang talaga ang sagot sa lahat. Piliin mo naman ang Sarili mo, Lalo na ngaun may pamilya ka na ding binuo. Piliin mo Ang pamilya mo. Piliin mo Ang peace of mind. Kung di mo naramdaman Yun sa pamilya mo, ibahin mo naman Yun sa pamilyang binuo mo. Kaya mo Yan. Matagal ka nang naging strong sa lahat ng mga napagdaanan mo, ngayon ka pa ba susuko? Hangga't andyan ang partner mo na sumusuporta sa'yo, sapat na Yun kahit di mo naranasan ang mga bagay na Yun. Basta sa pamilyang nabuo niyo, matatawag mong home ang bahay na tinitirihan nyo, Puno ng pagmamahal at care sa isa't isa. Unting tiis na lang, malapit na. Makakaalis ka din sa mundong matagal mong tiniis, mundong malungkot at puro sakit.

Thursday, May 16, 2024

I wish

 May 16, 2024 11:09pm

I wish for siblings who truly loves me. Siblings who wants to bond with me. Sibling who cares for me. Siblings who is willing to help even I will not ask for it. Bakit naging ganito? Akala ko may mga kapatid akong mahal at may care sa akin. Niloloko ko lang pala Sarili ko. Pinaniwala ang Sarili na mahal nila ako, na gusto nila ako kasama, na may kaagapay ako. Ganun naman talaga ang magkakapatid di'ba? Pero di ko akalaing malalaman at mamumulat ako sa totoo nilang personalidad. Na di pala kapatid ang Turing nila sa akin, dahil sa mga paningin nila, isa akong hadlang, kontrabida at pinipigilan ang kaligayahan nila. Pero di nila alam, sila naman talaga ang gumagawa ng pagkakamali at ikakasira nila. Sila na mismo ang sadyang nagpapakita ng totoong kulay nila, Hindi ako. Siguro akala nila na sinasabi ko Yung mga pagkakamali nila, pero Hindi naman talaga. Sinubukan ko pa ding ipagtanggol at bigyan sila ng rason kahit na Yun ang tingin nila sa akin. Naging kapatid pa din ako sa kanila kahit na Hindi sila ganun sa akin. Hindi ko alam kung all this time, totoo ba talaga Yung mga bonding namin, naging Masaya ba kami, naging Masaya ba talaga sila na kasama ako? Kaso ako ng mga oras na magkakasama kami, kahit simpleng kwentuhan, Masaya ako kasi mga kapatid ko sila. Di ko alam kung magpapasalamat ba ako na nalaman ko ang totoong sila o malulungkot kasi di naman pala totoo Ang lahat. Di ko na din alam ang paniniwalaan sa Hindi dahil mukhang lahat naman ng nangyayari at sinasabi nila ay puro kasinungalingan. Miski akong kapatid, kapatid pa nga ba? Ay nagagawa nilang magsinungaling at iwanan ako mag isa. Wala naman akong ginawa kundi tumulong sa kanila pero bakit ganun ang tingin nila sa akin? Kontrabida? Hadlang sa kaligayahan? Bakit inaabuso nila ang kabaitan, pagtulong at pag iintindi ko sa kanila? Bakit ngayon sila pa Ang Galit sakin despite ng mga nagawa nila sa akin? Puro akala pero di naman nila alam Yung totoong nangyayari at nararamdaman ko. Tanging Sarili lamang nila ang iniisip nila, di nila man lang naisip Yung nararamdaman ko at kung ano Yung ilang beses ko nang pinagdaanan dahil sa ginagawa nila. Yung oras na kailangan ko ng care at pag aalala, na minsan ko lang asahan, di pa nila magawa, di pa nila maintindihan. They are questioning me everytime na magsasalita ako. Napagod na ako. Tumahimik na lang ako. Hinayaan ko na silang gumawa ng buhay nila na puro pagkakamali at maling desisyon kaya naging magulo ang lahat. Pero dahil sa pinagsasabihan ko sila, dahilan na ba Yun para di nila ako ituring na kapatid? Nililigtas at pinoprotektahan ko lang sila sa mga pwedeng maling desisyon na naman na magagawa nila sa buhay nila. Pero iba naging tingin nila. Kaya inalis nila ako bilang kapatid sa buhay nila. Pero at the same time, pinapakinabangan pa din ako at inaabuso ang kabaitan ko. Pagod na ako. Napagod na akong tumulong para maayos ang buhay nila dahil Yun naman Yung pinapakita at pinaparamdam nila sa akin. Na ayaw nilang pinapakielaman sila. Na Hindi na nila ako isasama sa mga moments na Masaya kasi against ako sa kanila. Sila ang kusang humiwalay sa akin. Nakakadurog ng puso na di ka ituring na kapatid dahil lang sa mga Sarili nila. Ang Dami ko nang napatunayan sa kanila kung gaano ko sila kamahal bilang kapatid. Sila Wala silang ginawa para sa akin. Tapos ganito pa Yung ginagawa nila sa akin ngayon. Gusto ko lang naman ng kapatid na totoong mahal ako. Sa lahat ng nagawa Kong mabuti Hanggang ngayon, di ba ako kamahal-mahal as kapatid? Unti unti ko nang tinatanggap na Wala na akong mga kapatid. Pilit Kong nilalakasan ang loob ko kahit mag isa na lang ako. Hindi na maayos ito. Panigiradong mangyayari lang ulit na lahat ng ito, gagawin nila ulit sa akin ito, masasaktan at malulungkot lang ulit ako. Napapagod din ako. Tao lang ako. Di ko na kayang umintindi. Di ko na kayang inaabuso ako. Na kailangan ka nila pero ipaparamdam sa'yo na di ka naman kapatid. Para sa sariling kaligayahan, di ka iisipin at Ang sitwasyon mo ngayon. Sukong suko na ako. Lord, sana sa next life ko, magakaroon na ako ng mga kapatid na mamahalin talaga ako ng totoo, kung sakali mang mangyari ito ulit, pwedeng maging only child na lang ako. Wala naman kasi akong ginawang masama sa mga kapatid ko ngayon para iparamdam na di nila ako kapatid at Galit sila sa akin. Lord, tulungan mo akong matanggap ang bagong buhay ko ngayon na mag isa. Tulungan mo sanang di na nila ako maabuso dahil Wala akong magawa para makawala at maipagtanggol ang Sarili ko. Pero soon Lord magagawa ko na din Yun, Wala naman sigurong masama na piliin ko naman ang Sarili ko dahil unang una, Wala akong ginagawang Mali sa kanila at kahit puro sama ng loob biinibigay nila sa akin, tulong pa din Ang pinapalit ko. Na minsan lang ako magsalita sa sakit, hirap at sama ng loob ko naging masama pa ako. Lord, please help me kasi ilang beses na akong humaharap sa pakiramdam na ayaw Kong nararamdaman Lalo na ngayong may pinagdadaanan ako. Sana po imulat mo po ang mga mata ng mama ko, na di nya lang ako pakinggan kundi tulungan nya ako na sana maitama na Yung mga kapatid ko para di naman ako nadadamay at naaabuso sa Sarili nilang kaligayahan. Lord, I wish for peace of mind also. Di ko na alam ang nararamdaman, di ko na din alam kung paano ko pa panlalabanan Yung nararamdaman ko, di ko alam kung Hanggang saan ko kayang tiisin Yung sakit ng nararamdaman ko, di ko alam kung Hanggang kailan ako na nasa isip para di magawa Yung kasalanan na naiisip ko dahil sa nangyayari ngayon. Lord help me!

Tuesday, April 30, 2024

I don't deserve this pain

May 1, 2024 12: 35am

Lord, bakit po ganun? Kung sino pang tumutulong at magmamahal, siya pa Yung nakakaranas ng sakit na kapalit? 

Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit nangyayari ito at kung bakit ganito ang ginagawa nila sa akin? Ang alam ko lang naman Wala akong ginawa kundi tumulong sa kanila, sa kanya. I don't deserve the hate and anger. Hindi ko alam kung San nila, San niya hinuhugot Yun. Kung iisipin, ako pa nga talaga Yung may dahilan na sumama ang loob sa lahat ng ginagawa nila sa akin. I only choose to help, pero eto Yung kapalit. I tried na Hindi na lang magsalita pero still Galit pa din siya, sila kahit na sila naman ang may gawa ng kalokohan at pagkakamali nila. Hindi ako okay. Hindi na talaga ako okay pero pinipilit Kong i-kalma ang Sarili ko dahil buntis ako, maselan ang pagbubuntis ko. 

Ever since naman di ko na naramdaman na mahal at may care sa akin ang pamilya ko. I am just a person na Wala lang sa mga mata nila. Taong kapag need nila ng tulong, dun lang ako maiisip. Taong kapag gusto nilang ilabas Yung inis at topak nila, ako ang sesermonan. Taong tagalinis ng bahay kahit nagkukusa lang naman ako para magkatulong. Higit pa ata ako sa katulong at yaya. I'm like a stranger in our own home. I never felt being part of this family. But despite of what I felt and Yung mga pinagdaanan ko, I still chose to love and help them kahit walang kapalit at di nila ibabalik sa'kin Yun. I tried to be more patient and understanding kahit Yung inner peace ko na Yung naaapektuhan. Isa lang naman dahilan bakit ganun, kasi mahal ko sila kahit di nila ako mahal. Kasi pamilya ko sila kahit di pamilya tingin nila sa akin.

Once lang ako magsalita tungkol sa nararamdaman ko dahil punong Puno na ako. Para akong sasabog at di ko na alam ang pwede Kong naramdaman at magawa sa Sarili ko. Isang beses lang Yun. Isang beses na nagpakatotoo at humingi ng tulong. Pero walang silbi. Walang nangyari. May nagbago pero naging worst pa. I'm not that strong. Tao lang din akong napupuno. Bakit kasi kailangang abusuhin ang taong willing tumulong sa iyo ng walang kapalit? Kung Hindi lang sana inaabuso at kung Hindi lang sana pinaramdam na di ka na parte ng pamilya, Hindi sana magkaka-ganito ang pakiramdam ko. 

Napapagod na ako. Sobra na akong napapagod. Kasi Wala namang tumutulong at nakakaintindi sa akin kahit magsabi na ako. Yung kaisa-isang taong akala ko magiging patas at aayusin Ang lahat, Wala ding nagawa. Hinayaan na lang na masaktan ang isa. Pero Yung isa, di dapat masaktan. Hindi ko maintindihan. Bakit pag sya okay lang? Bakit pag sya hayaan na lang? Pero bakit ako noon, kahit para naman sa future namin ng pamilya ko ginagawa ko, Hindi pwede? Bakit pag ako, umalis na lang ako dito? Bakit ang unfair? Bakit Hindi patas? Bakit nga ba? Di ko kasi maintindihan. Naaawa kayo sa kanya pero sa aking maselang na nagbubuntis ngayon di kayo naaawa? Di ko lang pinakita na nasasaktan at nahihirapan ako, tingin nyo Hindi ko pinagdadaanan Yun ngayon? Bakit nga ba? Di ko gets? 

Bakit mo inuuna ung pamilya mo kesa sa Sariling pamilya mong binuo? Nagsabi ako sa iyo kasi di ko na kaya pero Wala Kang ginawa. Ngayon, Wala ka na talagang nagagawa dahil Wala ng maayos dahil magulo na. Sobrang lalim na ng sugar at Lalo pang lumalalim Yung ginagawa nila sa akin. Wala akong ginagawang masama, pagtulong pa nga ginagawa ko tapos ganito igaganti nila sa akin. Sana naman kasi kami naman Yung naiisip mo, ako naman ang tulungan mo. Wala naman akong ginawa kundi tulungan ka pero di mo nakikita Yun. Di mo din nakikitang nasasaktan at nahihirapan na ako. Pinili mo din sya kahit Mali naman talaga ginagawa niya. Bakit naman ganun? Kapag sakin aral, kapag siya kawawa naman. Mahal mo ba talaga ako? O minahal mo lang ako kasi kailangang mo ako? 

Tapos ngayon sila, siya na Ang nagagalit sakin? Mas pinaparamdam nya, nila sa iyo na di ka parte ng pamilyang ito. Pero Wala ka namang ginawa, kahit masama loob mo sa kanya, sa kanila tumutulong ka pa din. Tapos siya pa Ang may karapatang magalit. Hindi ko gets bakit? Ako na masaktan, sakin pa nagagalit. Di ko deserve ito. Bakit naman ganito kamalas ang buhay ko? Hindi ko na kaya. 

Gustong gusto kong gumawa ng bagay para matapos na Yung paghihirap ko pero di ko magawa dahil ayokong madamay ang nasa loob ko ngayon. Hindi nila alam kung gaano makakaapekto sa akin Yung mga nangyayari at ginagawa nila sa akin. Di ko alam kung nagtatanga-tangahan o binabalewala lang nila Yung nararamdaman ko. Gusto kong kumawala pero sila pa din Yung naiisip ko. Samantalang sila, Wala lang naman ako sa kanila. 

Lord, sana maging Tama ang magiging desisyon ko dahil sa tingin ko di na maaayos to. Di lang naman to ngayon nangyari kaya punong Puno na ako. Tao lang din ako, napapagod din kapag inaabuso ang kabaitang. Nagpakabait at tumulong naman ako Lord, pero bakit ganun sila sa akin? Di ko deserve Yung mga nangyayari sakin sa totoo lang. 

Sunday, April 21, 2024

Can you forgive me God?

 April 21, 2024 6:22am

Mapapatawad mo ba ako God if gawin Kong wakasan ang buhay ko? Mapapatawad mo ba ako na naiisip ko ang mga masasamang bagay na saktan at wakasan ang buhay ko dahil sa sobrang depresyon na nararanasan ko ngayon? Patawad Panginoon. Sana mapatawad mo ako kung sakaling magawa ko Yung bagay na ito. Sobrang sakit na nararamdaman ko. Sobrang hirap ng intindihin Yung mga nangyayari sa akin. Bakit nga ba may mga taong mukhang Wala nang puso para sa iba? Hindi lang iba kung maituturing pero Yung taong malapit pa sa iyo? Hindi ko alam kung dapat Kong ipasalamat na nilikha mo akong Isang tao na mapagmahal at tumutulong Lalo na sa pamilya. Pero kahit Anong tulong ang gawin ko, Wala man lang balik at mas ginagawan ka pa nila ng kasamaan kesa suklian ang kabaitang ginawa mo sa kanila. Nakakapagod intindihin Ang lahat. Nakakapagod magmahal at tumulong. Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa mga ginagawa ko, ang akin lang mahalin, alalahanin at magpakatotoo lang sa akin. Sobra pa ba Yun? Dahil sa mga naranasan ko, parang kusa na lang nagsarado ang utak, tenga at puso ko. Natuto akong maging matapang at lumaban para sa Sarili ko. Pero Hindi pa din maitatago na na dun pa din Yung pagmamahal sa puso ko. Kaya Wala akong magawa, iiiyak na lang at naiipon Ang lahat ng sama ng loob sa puso ko. Hindi na naman makatulog kapag Gabi. Wala naman akong hinangad kundi magakaroon ng tahimik at simpleng buhay. Yung mga taong sanang magmamahal at dapat proprotekta sa iyo, sila pa Yung nananakot sa iyo.