December 26, 2024 5:53 PM
Pagod na pagod na pagod ako. Na Hindi naiintindihan ng kahit na sino, miski ng Asawa ko. Everytime sasabihin ko na pagod ako, ibabalik Niya kaagad Yung pagod Niya. Na parehas lang kaming napapagod, na Hindi lang ako ang Taong napapagod sa buong Mundo. Gets ko Yung pagod Niya, pero sana gets Niya din ang pagod ko. Ngayon, tuwing pasok at bagong Taong, sa Taong Taon na lang, mag-aaeay kami, sisigawan Niya ako, ipaparamdam sa akin na Isa along masamang Asawa at Ina sa kanila. Hindi ako perpektong Ina, pero pilit Kong kinakaya at ginagawa lahat ng sabay sabay para sa pamilya ko. Pero bawal palang magsabi ng pagod na. Miski perang pinagpaguran ko, Wala ding nagpupunta sa akin. Alam kong higit pa ang kinukuha sa akin pero hinahayaan ko na. Para lang gumaan ang pakiramdam Niya. Hinahayaan ko siyang nakapag pahinga at makatulog. Ni Hindi Niya alam, ako Yung walang tulog, ako Yung paidlip idlip lang, nagtra-trabaho din ako, maglalaba at nag aayos ng bahay. Mahirap magsalita ng mga bagay na gusto mong Sabihin na nahihirapan ka Kasi again ibabalik Niya sa'yo yun. Na kesyo ako lang ba ang nahihirapan. Mahirap din humingo ng tulong at magpasuyo Kaso di naman ginagawa or nakailang Sabi ka na Bago Gawin, madalas Hindi talaga Niya ginagawa. Kaya ang ending, kahit mahirap, gagawa ka ng paraan para Gawin yun kahit alanganin talaga dahil ayaw bumitaw ng anak ko sa akin, all the time. Kaya di ko magawa ang mga bagay na dapat Gawin, ultimo pagkain at pagligo. Pag ginawa mo naman nagagalit siya Kasi bat mo daw ginawa, eh Hindi nya nga ginagawa. Mga bagay na Hindi nya napapansin, na Akala Niya natutulungan ka Niya fully at magaan ang pakiramdam mo. Laging nanghihina, laging masakit ang ulo at katawan. Kung anu ano pang pinapasok sa isip ko. Ang ending Ikaw Ang masama. Tumatahimik na ako, pero ginagawa pa din ng dahilan para lang siguro masigawan ka o gumaan pakiramdam Niya, para may ma blame siya. Para na ako g nauupos na kandila sa nararamdaman ko physically and emotionally. Nagbago siya, lagi siyang Galit, laging nakasigaw. Natatakot na ako sa kanya. Wala ka nang sinabing Hindi masama sa kanya. Saan ang magaan ang pakiramdam? Saan ang nakakatulong at nakakapagpahinga? Imulat mo mga mata mo. Maling Akala. Ikaw Ang nakakapagpahinga at nakakatulong ng mahaba. Wala naman problema dun pero sana naiintindihan mo nararamdaman ng Isang ibang katulad ko. Iba talaga Yung pagod na nararamdaman ko, parang may kakaiba talaga. Parang gusto ko na lang mawala Bago matapos ang Taon na ito. Tutal naman Wala naman talagang nagmamahal at umuunawa Sakin. Kuhain mo na lang ako. Pagod na pagod na ako.