Saturday, September 14, 2019

Mga Dapat Matutuhan



10/14/13 11:03pm

“Mga Dapat Matutuhan”

Madami pa akong di alam, lalong lalo na sa relasyon ng mag-asawa at pagpapamilya. Madami talagang nagbabago, may mga bagay na hindi dapat minamasama. Kung mahal mo talaga ang isang tao tatatanggapin moa ng lahat lahat sa kanya. Yung attitude nya, physical & emotional. Yung totoong siya, kung ano siya talaga, if magkasama na kayo sa bahay at kung ano ba talaga yung ugali niya. Hindi porket may nakikita ka sa kanyang mali, magiging hadlang na ito sa pagmamahal mo sa kanya. Hindi pala dapat ganun, kahit anong makita mong pagkakamali sa kanya, kailangan mo siyang intindihin kahit anong mangyari. Walang magagawang mabuti ang pagpansin at pagbigay din dito. Kung mahal mo talaga siya, kahit makita mo man ang mga masasamang pagbabago sa kanya, kailangangang tanggapin mo ito. Hindi! Ang dapat pala matatanggap mo ito, wala kang choice. Mahal mo yung taong iyon, maging sino man siyam masama man o mabuti, mamahalin at tatangapin mo siya. Ganyan ang pagmamahal lalo na kung papasok ka sa buhay mag-asawa. Madami pa akong hindi alam, madami pang dapat matutuhan. Kailangan lang na patience, care at unending na love para maging strong at forever ang pagmamahalan.

No comments:

Post a Comment