Friday, August 21, 2020

No one listens

August 22, Saturday 06:24 AM

Puro na lang pagkakamali ko nakikita nyong lahat. Sa lahat ng tulong at tama na ginawa ko puro mali ko lang. 

Kung husgahan nyo ko ganun-ganun na lang. Buti pa dito, kahit anong sabihin ko walang nasasabi sa akin. 

Sa paningin nyo, wala na akong ginawang tama. Madami akong gustong sabihin pero dahil sa sobrang sama ng loob ko, di ko alam kung pano ko sasabihin lahat. 

Porket ganito lang ako, mahina, lalo nyo pa akong tatapakan at mamaliitin. 

Kapag pinaglalaban ko sarili ko, pagmumukhain nyo akong masama. Parang wala akong karapatan sa lahat ng bagay kahit sarili ko wala na din. 

Walang wala na ako, mahinang mahina na ako, lubog na lubog na ako. Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa inyo yun at ilulubog nyo pa ako. 

Ilang weeks na akong ganito and I still fighting my demons. Wala talagang nakakaintindi sa akin miski asawa ko. 

Sinasabi nya lang mga napapansin nya na parang naiintindihan nya ko pero hindi talaga. 

Porket ba mental illness, wala lang. Sasabog na ang utak at damdamin ko. Di ko na alam kung san ako lulugar. Tao lang ako, madalas nagkakamali din. The way na ituring nyo ako, di ako pwede magkamali. 

Sino na lang iintindi sa akin? Wala na. Sarili ko lang. Sarili mo lang talaga maaasahan mo. Kung pwede lang yakapin ang sarili para maging okay ka, maramdaman mong may kasama ka. Wala na akong kasama, nag iisa na lang ako. Walang naniniwala sa akin. 

Akala lang nilang lahat masama ugali ko, na maarte ako. Di ko ginusto maging ganito. 

Bibigyan nyo ko ng mga bagay na maganda pero parang may kapalit din naman. Gusto nyo dapat sundin ko yung mga gusto nyo, pano naman yung gusto ko? Kapag ako di pwede magpahinga. Kapag ako nagkamali, parang napakasama ko na. Miski pansariling karapatan, wala na ako. 

Do I really have to suffer para masaya kayong lahat? Kahit nga sarili ko na pinapahirapan ko, questionable pa din. 

Kahit ilang beses ko sabihin, paulit ulit nyo lang din hindi maintindihan. 

Nagbabago na din ang isip ko sa'yo. Patagal ng patagal, di mo ko naiintindihan, yung gusto mo nasusunod.

Bakit kailangan gawin nyo sakin ito? 

Sa loob loob ko sumisigaw na ko. Gusto ko na talagang mawala. Sukong suko na ako. Parang wala din naman talaga existence ko. 

Iba ang katulad ko, iba ang way ng nararamdaman ko sa nararamdaman nyo. 

Di ko naman kailangan na mapansin, gusto ko lang ng maayos na pakikitungo at mapayapang buhay. 

Tuesday, August 18, 2020

No feelings, much worse than having a feeling

 August 19, 2020 12;19 PM


No feelings, much worse than having a feeling


Mas malala pa na wala kang pakiramdam kesa sa nakakaramdam ka pa ng lungkot.

 This past few years of my life, no my whole life, puro hurt, lungkot, galit na lang yung nasa puso ko but I am in the point of no feelings. Yeah, may kaunting galit but lungkot, parang wala na. Hahaha. Nakakatawa na lang and nakakagalit isipin yung mga nangyayari sakin. Pero yung pakiramdam, it doesn't bother me anymore. Kahit na I am in the middle of this thing, walang nakakapansin kahit na sinasabi ko na sa partner ko. He didn't know what am I really going through. Parang wala ng silbi buhay ko. 

Dati gigising ako, kakain ng breakfast and spend time sa anak ko. But now, I'd rather sleep all day, all night kesa magising at mag stay na wala ding ginagawa. I am so tired of living all over again and again doing nothing. 


Yeah, I have work, yun na nga lang ata yung magandang ginagawa ko because I am so dedicated about it. But living, I don't think so. 

Mas na-realize ko pa kung ano ba talaga ako sa pamilya ko, kung sino ba sila. Hahaha. And it's killing me literally. 

Araw-araw na lang ako my nightmares, and I so hate it. Pero mas gusto ko na lang lang ma-bangungot sa pagtulog kesa makita at makasama ang katotohanan na wala ka lang talaga. 

Ewan ko nga kung may nagpapasaya pa ba sa akin.

I want to share my thoughts, yung feelings ko, pero everytime I did that, parang nakukuha din ng kausap ko negativity ko. I don't want them to feel what I am going through and also to see the real thing na nakikita ko. Yung totoong ginagawa nang nasa paligid ko na di nila alam na ganun na pala sila. I don't want them to feel and see negative, just like me. 

I  am not eating or drinking every morning till afternoon. Even I am thirsty and hungry, mas tinatalo nung pakiramdam ko ang gustom at uhaw. Hahaha. Pakiramdam pa bang matatawag to, eh wala na nga akong pakiramdam.

I am scared of what I can do. Sa tingin ko kasi mas malala na to sa dati kong nararamdaman. Mas okay pa ata na umiiyak at nalulungkot ako ng walang dahilan kesa sa nabubuhay akong wala na akong pakielam sa lungkot.  

Natatakot na ko everytime na matutulog ako na baka di na ako magising, pakiramdam ko tuwing matutulog ako parang kukuhain na ako. 

Ayoko na rin ng nightmares, araw araw na lang. Nightmare na nga buhay ko pati pa naman sa pagtulog nightmare pa din.  

Parang wala na kong gagawin sa mundong ito. Wala na akong dahilan para gawin ang ibang bagay na usually ginagawa ko naman. Hahaha.

Alam kaya nila pinagdadaanan ko? I'm sure sasabihin na naman nila, tinatamad at maarte lang ako. Hahaha. 

Pati pag-post sa social media, ayaw din nilang ginagawa ko dahil natatakot sila depression ko. Mas nakakatakot kaya kapag di mo na alam ang iniisip ng taong katulad ko. Hahaha. Well, parang wala ng kong karapatan at right gawin yung mga bagay bagay.  

Pati yung mga plano ko, parang ayaw ko na din gawin. Napaka-unproductive ko.  

Lord, I am sorry to feel this. Di ko ginusto maging ganito, alam mo yan. Ikaw na po bahala sa akin. Thank you for making me feel a little bit of happiness everytime na tinutupad mo yung mga prayers ko.