06/02/12 12:43 am
“Kailan Masisilayan ang Umaga?”
Kailan masisilayan ang umaga?
Tila wala ng tigil ang ulan
Gusto kong masilayan ang liwanag
Liwanag na magbibigay saya sa
aking buhay
Ngunit sa di malamang dahilan
Yung liwanag na naging dahilan
nang kasiyahan
Ang siya pang naging dahilan
Para naising masilayan ang umaga
Ang liwanag na dati’y nagbibigay
saya
Ngayon ay nawala at iniwan akong
mag-isa
Di ko alam kung saan pa pupunta
Nanaisin na lang na mag-isa at
maghintay sa wala
Tignan mo ko, oh aking liwanag
Kailan ba kita ulit masisilayan?
Kailan mo ba ako ulit mapapasaya?
Kailan ba manunumbalik ang dating
liwanag na nagdudugtong sa ating dalawa?
Pilit kitang hinahanap ngunit di
ka Makita
Nangingilid na ang mga luha sa lungkot na nadarama
Sana’y malaman mo ko kung babalik
ka pa
Nang aking masilayan kung may umaga
pang naghihintay
No comments:
Post a Comment