Saturday, January 30, 2010

"PANGUNGULILA"

June 15, 2009

"Pangungulila"

Unang pasukan na naman..Ako'y isang 2nd year na, pero irregular pa din..Madami na akong nakikita!!Mga bagong estudyante, mga professor, ang mga rooms, mga old student, at ang higit na pumukaw ng aking pansin ay ang mga magkakasamang lipon ng mga magkakibigan..Bigla na lamang akong lumungkot!Naalala ko yung mga kaibigan ko..Yung tipong sabay-sabay kaming kumain, laging magkakasama sa hirap man o say, sabay-sabay pumasok sa room...Nakakapangulila talaga...sobra na akong nangungulila sa kanila...Miss na miss ko na sila, sobra...Gusto ko man umiyak ngayon pero hindi pwede, paniguradong pagtitinginan ako dito at maaaring sabihin nilang ako'y nasisiraan na ng bait dahil umiiyak na lang ako ng bigla-bigla...Mahirap talaga pag nawala sa iyo ang iyong mga kaibigan, hindi ko naman itinuturing na wala na sila eh, pero yung tipong di mo sila kasma, wala na yung bonding..Maya-maya pa'y dumating na si Ate Lieza, may dala-dala syang balita para sa akin. Nalaman ko na hinahanap pala ako nina Debbie at Grace, pati sina Jessa...Kumpleto na pala ang aming seksyon sa Programming 2, ang kulang na lang dito ay ako, si Mitch, Yohan, April, Xiarm at Yoko..Pero ako na lang talaga yung di nakuha itong subject na'to..Sayang talaga..Nakapanghihinayang!sa tingin ko, matatapos na naman ang araw na ito na walang mangyayari..Nakakalungkot at nakakalugmok..PANGUNGULILA!

"ISIP NA HINDI MAINTINDIHAN"

June 8, 2009

"Isip na Hindi Maintindihan"


Hindi mawari! Hindi maintindihan..Gulong-gulo ang aking isip't damdamin.,.Hindi ko maipaliwanag kung dapat ba akong malungkot o maging masaya?Madami akong nababatid..Ang mga samahang masasaya, mga panahong kung iyo'y iisipi'y makakapagbigay ngiti sa ioyng mga labi.. Maghihintay na lamang ba ako ng walang ginagawa?Lungkot naman ang nararamdaman ko sapagkat habang inaalala ko ang mga masasayang araw kasama ang mga kaibigan ko, nakakaramdam ako ng lungkot sapagkat nami-miss ko na sila..SOBRA!!Madaming pumapasok sa aking isipan..Mga planong maaaring makapagbigay ng kaayusan sa lahat...Hindi ko na maintindihan ang aking isipan.,Iba't ibang pakiramdam ang naglalabasan..SAYA! LUNGKOT! PAGKALUMO! LIGAYA!..Hanggang dito na lamang ba?..Parang ayokong isipin iyon..Alam kong hindi naman ito mangyayri..Mareresolba pa ang lahat!!AAlahanin ko na lang ang masasayang oras ng kami pa'y magkakasama..Hindi maalis ang ngiti namin tuwing magkakasama kami...Ngiti dito, tawanan doon, kwentuhan dito, asaran doon, advise dito, kulitan doon...Ang isa pang nakakatuwang isipin ay lagi kaming magkakasama at sabay-sabay kumain..Sana nga lang, sa darating na pasukan at panahon, ganito pa din kami,,,Naniniwala ako sa kasabihang..BESTFRIENDS FOREVER..at TRUE FRIENDS...Darating ang time na babalik na ang dati o nakaraan..Basta, mahal na mahal ko kayo mga kaibigan ko!!..( ^_^ )v

"ANG PAGHAHANAP NG ATENSYON SA IBA"

June 3, 2009

"Ang Paghahanap ng Atensyon sa Iba"

Bakit nga ba, dumadating tayo sa puntong naghahanap ng atensyon sa ibang tao? Maaaring hindi tayo makaramdam at nakakita ng importansya sa mga taong mahalaga sa atin.,,Masasabi kong isa itong napakasakit na problemang kadalasang nararamdaman ng nakakarami sa atin, at isa na ako doon,..Wala akong magawa kundi damdamin na lang ito at umiyak...Sa tuwing nararamdaman kong itong pakiramdam na ito, wari'y ako'y parang isang patay na..Yung tipong, maaaring nakakalimutan ka na nila, naaalala ka lang tuwing may mga mahahalagang okasyon, at kadalasan ay yung tinatawag nating "invisible". Unti unti na kong nawawalan ng pag-asa..Pero hindi dapat mangyari yoon, kaya ko pa to.,..Maaga pa para sumuko at hindi kailangan sumuko..kailangang magsikap! Hindi dapat indahin ang mga pangungulila at mga sakit na aking nararamdaman...Kadalasang itong pagsubok na ito ang lubos na sumusubok sa'kin..GANBATTE YO JOY-CHAN!!AKIRAMINAIDE..ZUTTO IKITTE!...Nakakapaghanap lang ng atensyon ang isang tao sa iba kapag hindi ito kadalasang nabibigay ng mga taong importante sa kanya..Sa iba sya naghahanap ng atensyon kung saan, hindi nya man ito sobrang kakilala /lubusang kakilala ay inaasahan nya at sigurado syang mabibigyan sya nito ng kanyang kailangan.."ATENSYON"!..

"MULING PAGDARAMDAM"

May 23, 2009

"Muling Pagdaramdam"

Eto na naman..Muli na namang nagbablik ang pakiramdam na ito..Wari'y ako'y nag-iisa na naman..Wala na akong maidulot na maganda sa iba, sa lahat, at higit sa lahat, sa aking SARILI..Ang tanging naiisip ko lamang ay umiyak,.Iiyak na lamang ang sakit, tampo, lungkot, pag-iisa, kawalang pag-asa at lahat lahat ng mga problemang aking kinakaharap ngayon..Bakit ba ganoon? Pinipilit kong hindi isipin na ako'y di binibigyan ng importansya ng mga taong nasa paligid ko pero hindi naman ako bulag para hindi makita ito..BInabalewala lang nila ako! Siguro, nakakasawa talagang makinig sa aking mga kwento..Kaya't hindi nila ako masisisi kung naghahanap ako ng atensyon sa iba.,.Kahit sa mga kaibigan ko..Nararmdaman ko din ito..Sa pagkakataong ito, gusto ko lang umiyak! Gusto ko lang isigaw ang sakit na nararmdaman ko ngayon..Nanunumbalik na muli ang paghahangad na mapag-isa muna at mapagmuni-muni ulit..Sino ba namng tao ang nanaising maramdaman ang nararamdaman ko??"PAG-IISA"

"ANG ITINAKDANG ARAW"

May 17, 2009

"Ang Itinakdang Araw"

Madaming mga poangyayri sa aking buhay na masasabi kong itinakda sa'kin, at marami pang mga mangyayring hindi ko inasahan...Sa ngayon, itinakda na ang araw, para harapin ang ang pinakahuling araw na kailangang paghahandaan.."FINALS" na..Kailangang mag-aral ng mabuti at magsikap para mapasa ko na ang aking mga subjects..Sa aking palagay, maipapasa ko namn ito..,Laking pasasalamat ko sa ating Panginoon sapagkat kahit bitin ang aking mga nakukuhang iskor sa aking mga pagsusulit ay naipasa ko pa din ito!Haiz..Kaya ko to! Ganbatte ne..GANBATTE JOY-CHAN!!AJA!!Alam ko din namang maipapasa din ito ni Ate Lieza at ng iba pa naming mga kaibigan na sina Bhez Melody at "Ma" Rigil..At meron pa palang itinakda, ang paghaharap namin nina Debbie at Grace..Kagulat-gulat ang kanilang pagdating..Tila ako'y isang invisible kay Debbie, samantalang si Grace nama'y pinapansin ako..Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin..Wala akong mukhang maihaharap sa kanila..Haiz, I hope na magkaayos na kami..THANKS FOR ALL!!GOD BLESS US ALL!..

"PAG-IISA"

May 03, 2009

"Pag-iisa"

Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman..Tila ako'y nalulungkot at parang nag-iisa..Sino nga bang tao ang gustong mapag-isa??Kung meron man, siguro para mag-isip-isip. Pero sa ngayon, kakaiba ang aking nararamdaman! Nanunumbalik muli ang mga problemang aking iniisip at kinakaharap..Ang mga pakiramdam na parang ako'y hindi karapat-dapat na mabuhay sa mundong ito, hidi karapat dapat mahalin ng mga taong nagmamahal sakin,,Kakaibang pakiramdam, pakiramdam na humahantong sa ibang pag-iisip..na parang gusto ko nang maglaho sa mundong ito..Pero lahat ng bagay-bagay ay aking iniisip..Masarap mabuhay sa mundong ibabaw, kung minsan nga lang, sinusubukan tayo ng husto ng Panginoon..."DIYOS KO, PATAWAD PO KUNG NAIISIP KO ANG MGA GANITONG BAGAU..MADAMI PONG SALAMAT SA LAHAT..PAGPALAIN NAWA TAYO NG MAYKAPAL...

"ANG ARAW NA HINDI KO INAASAHAN"

April 28, 2009

"Ang Araw na Hindi ko Inaasahan"

Dang putek!kung minamalas ka nga naman,talaga yatang pinag-iisa ako ng tadhana...Ilang beses ko nang napaghahalata iyon..huhuhu! kaya ko kayang makihalubilo sa mag taong hindi ko pa lubusan kilala at nakikibagayan??Wala namn akong magagawa kundi sumabay sa alon ng mga pangyayri kahit alamkong ako'y mahihirapan! Siguro lamang tinuturuan lang ako ng panahon at ng oras na makihalubilo sa ibang tao at alisin ang aking hiya..

"ANG PAGMUMUNI-MUNI"

April 23,2009

"Ang Pagmumuni-muni"

Madaming araw na ang nagdaan..madami na ding nangyari..sa aking buhay, sa buhay ng ibang tao at sa buhay nating lahat..Nag-umpisa na ang aming klase, kapwa excited kaming dalawa ni Ate Lieza, lalo na sa aming subject na REED..Nakakilala ng mga kaibigan o mga bagong kaibigan at naging maganda naman ang daloy ng aming pag-aaral. Pero, madaming bumabagabag sa aking isipan..Napakarami kong iniisip..Para akong mababaliw! Iab na kasi ito, usapang problema na namn tungkol sa "KAIBIGAN"!LAbis akong naaapektuhan kapagnapag-uusapan ang tungkol sa aking problema tungkol sa aking mga kaibigan..Galit na naman sila sa akin! kung sa bagay, may nagawa naman akong kasalanan sa kanila..Nahihirapan ako ng sobra, hindi ko alam kung ano na namnng gagawin ko para mapatawad nila ako! sinabi ko na naman yung totoo at humingi na din ako ng patawad..Wala naman akong magagawa kung yun ang ginagawa nila..Basta ako, maghihinatay lang ako na dumating ang panahon at ang oras na kaming magkakaibigan ay magkakaayos muli..Mahal na mahal ko ang aking mga kaibigan..Sana'y sila'y maniwala sa aking mga sinasabi, sa puntong ito at panahon na ito..Lahat ng sinasabi ko'y totoo,.wala akong dahilan para magsinungaling pa..Panginoon, salamat po sa pagbigay ng mga kaibigan ko, ang hinihiling ko po'y sana'y kaming magkakaibigan ay magkaayos na..Namimiz ko na sila..T_T

Friday, January 29, 2010

"MY LIFE WITHOUT THEM"

April 23, 2009 10:49pm

im so sad...they are my best friends.,.
i miss them so much...
bakit ba kasi nagkaganito??
because of him??
awtz...it hurts..
ayokong matapos ang lahat ng dahil lang dito..
mahal na mahl ko kayo.,.T_Tmga kaibigan ko.,.
isa na kayo sa mga naging parte ng buhay ko.,.
humubog at nagturo sakin ng mga tamang
gagwin.,.
hindi ako makukumpleto kung wala kayo.,.
kayo ang missing part ng life ko.,.
wag naman po tayong pumayag na
mawawala lang yung friendship natin
dahil dito.,.
i miss the times na magkaksama tayo.,.
PATAWAD PO....IM SORRY PO TALAGA!!
MAHAL NA MAHAL KO KAYO MGA KAIBIGAN KO!!!
nakahingi na po ko ng patawad.,.
maghihintay na lang po ko sa time na mapatawad nyo po ako.,.
++CRistine Joy CAstillo++