Friday, June 21, 2013

Ang aking Mensahe para sa Buwan

November 14, 2010    

"Ang aking Mensahe para sa Buwan
"


Sa gabing madilim, kung saan kita ko ang buwan. Napakaliwanag na sya'ng nagbigay ng ilaw sa bawat paligid. Tanaw ko ito sa aking bintana, ito'sy bilog na bilog, ang liwanag nito ang syang nagbibigay ilaw sa aking tahanang madilim. Umuulan ngayon, malamig at nakakalungkot, ako ay nasa isang sulok at nakaupo habang pinagmamasdan ang buwan. Patay ang lahat ng ilaw sa aking kwarto, nakatingin lang ako sa buwan, nakatulala at nag-iisip. "Nais kitang abutin! Nais kong mas masaksihan pa ang gandang maidudulot mo!", ang aking nasambit habang nakataas ang aking mga kama'y na wari'y inaabot ang buwan. Nilalamig na ako, wala pa din akong imik, nakatulala lang ako sa buwan. "Ang ganda mo ang isa sa mga nagpapagaan ng loob ko, tuwing kita'y pinagmamasdan, pakiramdam ko nawawala ang bigat at pasanin ko sa buhay", sabi ko sa isipan ko. Hindi nakakasawang tignan ang buwan, madami din itong sinisumbulo. Tuwing tinitignan ko ang buwan, parang may nais syang sabihin sa'kin ngunit hindi ko marinig. Pumapasok ang hangin na malamig mula sa aking bintana, dumadampi ito sa aking mukha, mapapapikit na lang ako at dadamahin ang nagbibigay nitong kaganapan sa loob ng aking kwarto. Parang ang hangin ang sumisimbulo ng pagsagot ng buwan sa aking mga sinasabi. Ang mga ulap, umiiyak. Ano ba ang nabibigay sa'tin ng ulan, kasiyahan o kalungkutan, madalas na pag sinabing ulan, sumisimbulo ito sa kalungkutan. "Mga ulap, bakit kayo umiiyak? May ibig din bang sabihin ang pag iyak nyo? Hindi ko ito maintindihan!" sambit ko. Hindi ba't nakakalito ang aking gustong iparating? Pano magkakaroon ng buwan kung umuulan? Pero may mga ganito namang senaryo di ba? "Buwan, Buwan, Buwan, ang iyong liwanag ang siyang nagbibigay liwang sa gabing ito, na syang nagbibigay din ng liwanag sa buhay ko kahit tuwing gabi lang kita nakikita!", naibulong ko sa aking sarili, habang ako ay nasa bintana at nakatingin sa isang bilog na malaki na maraming magagawa. Huminto na ang pag-ulan. Pumunta na ako sa aking kama at humiga, naisarado ko na din ang aking bintana, hanggang sa pagtulog ko, binibigyan pa din ako ng buwan ng liwanag, liwanag na di mawawala kahit kailan.  


No comments:

Post a Comment