Mga Ala-ala
October 27, 2009
"Mga Ala-ala"
Sa tuwing naiisip ko sila, nalulungkot ako. Hanggang ngayon, di pa din ako makapaniwalang wala na ang dating pagkakaibigan namin.. Wala nang saya, wala nang trust, wala nang PAGMAMAHAL! Sobrang sakit isipan na hindi pala nila ako mahal.. Kung mahal nila ako, di sila maniniwala sa taong estranghero; kung mahal nila ako, di sila sumuko sa paglaban sa aming pagkakaibigan. Di ko mapigilang isipin na nalulungkot pa din ako at nasasaktan. Oo, nababasa mo.. NASASAKTAN PA DIN AKO. Masakitpara sa'kin na wala na silang care sa'kin. Ma masakit isipin na kahit kelan di ko na ulit mararamdaman ang kanilang pagmamahal. :'( . Sabi ko dati sa sulat na binigay ko sa kanila, bahagi sila ng life ko, if nawala sila, kulang na ako. Sa ngayon, di na ako kumpleto, ang mga taong kumukumpleto ng buhay ko angsadyang umalis at iniwan ako. Dati, sila ang kumukumpleto ng buhay ko, ngayon sila na ang missing part ko sa life ko. Nagtiwala ako, sila ang di nagtiwala. Minahal ko sila, pero hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila o wala naman talaga!.. Bakit dahil sa isang maninira, nagtiwala sila at iniwan ako? Kahit sobra na kong nasasaktan, kahit patay na ang puso ko, kahit kulang na ang buhay ko, kahit umiiyak ako ngayon, ito lang ang mapapangako sa inyo.. Kulang ang salitang pagmamahal sa nararamdaman ko sa inyo, Hindi na ako ayos tulad ng dati, di ko na kayang tumawa katulad ng dati, ang mga ngiti sa labi ko, wala ng kulay... Wala na akong magagawa kung ganito na tayo. Siguro nga kahit masakit, tatanggapin ko na lang ano tayo ngayon... Basta sobrang mahal ko kayo, MAHAL NA MAHAL.
No comments:
Post a Comment