October 13, 2009
"Ang Pinakamalupit na Pagsubok sa Larangan ng Pagkakaibigan"
Isa na ito sa ,masasabi kong pinakamalupit na pagsubok sa'kin pagdating sa mga kaibigan. imagine, pinapaamin ka sa isang krimen na hindi mo naman talaga ginawa. Lumagay ka sa katayuan ko ngayon, ano kayang mararamdaman mo? hindi ba't sakit! Puro sakit lang ang nararamdaman ko tuwing pinagpipilitan nilang ako yun. Ano ba? Mga bulag ba kayo? o manhid naman kaya? TAO lang ako katulad nyo, may PUSO'T DAMDAMIN. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang sakit na dulot nyo ngayon. Hinayaan ko kayong magsalita, nakinig ako, sumagot sa mga tanong nyo pero hindi nyo ko masisisi kung pumatak man ang luha ko sa aking mga mata, hindi lahat ng oras makakaya kong pigilan ito. Unting-unti akong nanlulumo at nawawalan ng pag-asa. Bakit ba ayaw nyong maniwala? Bakit hindi ako ang paniwalaan nyo? Bakit sya pa? Kaibigan nyo ko diba? Ako ang totoo, hindi sya. Pinipilit kong maging masaya pero hindi ko pa din maitago ang isinisigaw ng aking puso.
ANG SAKIT! SOBRANG SAKIT! BAKIT HINDI KAYO MAGTIWALA SA'KIN? BAKIT AKO PA? MAHAL NA MAHAL KO NAMAN KAYO AH. MAY TRUST AKO SA INYO KASI MAHAL KO KAYO. PERO BAKIT KAYO GANYAN? BAKIT AKO DI NYO PINAGKAKATIWALAAN? ANG IBIG SABIHIN BA NUN HINDI NYO KO MAHAL? T_T .. ANG SABI NILA, PAG TRU FRIEND DAW AY MAY TIWALA SAYO, ALAM NYANG HINDI MO MAGAGAWA ANG ISANG BAGAY NA MAKAKASAMA SA INYONG LAHAT SA BANDANG HULI MAGTATAWANAN NA LANG KAYO... Parang wala na lang talaga ako sa'yo... Prinoprotektahan nyo sya? Bakit? Ganun din naman ako ah! Pero bakit ako hindi mo din kayang protektahan! Bakit naman kayo ang may dapat aminin sakin, sayaw nyo ba sa'kin? nagkaroon na ba kayo ng pagkakataon para sulitin na ang mga panahong ito? Ramdam ko na mahal mo ako, salamat sa pagpaparamdam sa'kin nun. Sana umamin na ang may tunay na sala, sana makonsensya na sya, hindi ko na talaga kasi kaya tong nangyayari sa'kin... Susuko na ako! Umamin ka na, nakikiusap na ako sa'yo.
No comments:
Post a Comment