Tuesday, November 6, 2012

"HINDI NA AKO PARTE"


February 09, 2010

"Hindi na ako Parte"

 

Sa puntong ito, hindi na maikakailang ramdam ko na ang hindi na pagiging parte sa lahat ng bagay na kinabibilangan ko. Dumadating talaga ito sa buhay ng tao, ang maramdaman ang mga pangyayaring ito, hindi tayo bulaga at hindi din naman tayo manhid para hindi maramdaman at makita ang mga pangyayaring ito. Kung iisipin, masakit talaga ang maging hindi na parte sa iba't ibang buhay ng bawat isa. Lahta tayo, nagiging parte ng bawat isang buhay. Hindi mabubuo ang kwento ng buhay mo kung ang isang taong ito ay mawawala. May mga pagkakataong talaga na may mawawala at may dadating, ganoon talaga, ganyan ang buhay, kelangan lang tayong maging handa sa mga dumarating at darating pa sa ating buhay. Kung ako ang tatanungin, sobra na kong nalulungkot kasi yun ang nararamdaman ko ngayon, di na ako parte, mahal ko ang bawat isa, ayokong may kaaway ako, tinuturing kong kaibigan lahat, Oo! may pagkkamali ako at kadalasan, nagiging manhid ako, kung may pagkakamali man ako, sabihin nyo para malaman ko ito. Masakit sa damdamin na hindi ka nila binabati pero datimagkakasama kayo at magkakausap. Bakit ganoon? dahil ba, hindi na tayong lahat nagkakasama-sama? Ang gusto ko lang naman ay maging isang pamilya tayo, walang iwanan at lahat tayo'y nagdadamayan, higit sa lahat NAGMAMAHALAN, yun ang di mapapantayan. Ang masasabi ko lang, kung kelangan nyo ako, andito lang ako at handang makinig sa inyo.


No comments:

Post a Comment