April 27, 2023
Nakakagago. Nakakaloko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto ko talagang umiyak ehhh. Pero yung iyak na gusto ko, di ko pa din magawa. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak hanggang mailabas ko lahat. Pero bakit di ko magawa? Gusto kong mawala kung ano man yung nararamdaman ko pero ang daming kailangang isaalang alang. Sabi ko nung una kailangan kong maging strong pero ngayong pwede na akong maging weak di ko na magawa. Alam kong need ko itong ilabas ehhh pero di ko na magawa. Nawawalan na ako ng gana sa lahat pero wala naman choice kundi ipagpatuloy lahat ehh. Kahit parang di pa okay, need na mag-forward. Kahit tinatanong ka, sasabihin mo okay kahit parang di naman. Yung iba, sa sobrang akala ata nila okay ka, hindi ka na din iniintindi. Kung sa bagay, gusto ko na lang din mag-isa. Isa lang naman ang gusto kong makasama, yung asawa ko. Gusto ko lang ng yakap, gusto ko lang maramdaman yung haplos niya, hawak nya lang ang kamay ko. Sa mga oras na nanghihina ako. Gusto ko siyang maramdaman physically. Gusto ko lang ng katabi, gusto ko lang ng mahahawakan. Di ko na maintindihan nararamdaman ko. May nararamdaman akong hindi ako mapakali. Gusto ko saktan sarili ko. Gusto kong mamatay. Gusto kong kalbuhin sarili ko. Kahit anong gawin kong aliwin sarili ko, wala pa din. May mga oras pa din na nalulungkot ako kahit di ko na naiisip yung pinagdaanan ko. Nakakabaliw. Bakit parang manhid na ako? Lalo akong namanhid.
No comments:
Post a Comment