Friday, December 21, 2018

My Last Wish (read this when i'm gone)


Ang mensaheng ito ay Kung sakali mang mawala ako sa Di inaasahang panahon at makapag-alam.

Gusto ko sana kumpleto ang pamilya ko sa lamay at libing ko. Kung hindi makumpleto, okay lang naman sa'kin, maiintindihan ko yun, pero gusto ko talagang kumpleto lahat para kahit man lang sa huli, kahit katawan ko na lang yun, nakasama ko pa din kayo.
 Gusto kong alalahanin ng pamilya ko lahat ng memories natin together.
 Yung mga kantang gusto kong marinig ay "Kahit Isang Saglit", "I will be here", "Wherever you are - One Ok rock", "you are the reason - calum scott" , "make you feel my love-adele", "sana maulit muli" , "ikaw ang aking pangarap-martin nievera", "ikaw ang sagot-tom rodriguez", "isa pang araw-sarah geronimo", "valentines", "now and forever-richard marx", "destiny". 
Yung kantang ikaw ang aking pangarap at ikaw ang sagot, "valentines", "now and forever", theme song namin ng asawa ko yun; Yung kahit isang saglit, yun yung gusto kong kanta kapag hinahatid na ko sa akong hantungan; yung wherever you are favorite ko yun; yung make you feel my love tsaka you are the reason,  yung make you feel my love, gusto ko sana kantahin sa akin ni michelle yun; if ever man na magkaroon ng eulogy sa last lamay ko, gusto ko lahat nang kantang sinulat ko dito pati na yung mga favorite kong kanta mapakinggan kong lahat. 
Ang gusto kong isuot kapag namatay na ako is yung wedding gown ko,  Gusto ko yung mukha ko maganda, ayoko yung hindi na ako makikilala dahil sa sobrang kapal na makeup, yung makeup na parang ikakasal lang.
Yung sa mga lobo sana, gusto ko yung number ng balloon na ipapalipad ay base sa edad ko nang namatay ako. Yung mga social accounts ko, sana maging active pa din sila, in a way na pag reminisce sa mga alaala. Yung mga gamit at damit ko, gusto ko mapakinabangan, if ever na may mga damit akong gustong gamitin ng pamilya ko, ibigay na, yung maayos na damit, yung mga pang alis na damit, pakitago para sa anak ko, para kahit damit lang may maaalala pa din siya sa akin sa paglaki niya, yung mga natirang damit na ayaw gamitin ng family ko, paki-donate na lang sa mga nangangailangan, like sa bagyo or ano mang sakuna. Mas gusto ko kasi na kahit wala na ako, maaalala pa din ako kahit sa damit na lang, lubos ang kasiyahan ko kapag napakinabangan pa din ang mga gamit ko. Yung mga gamit ko like cp at PC, sa mga anak ko lahat mapupunta iyon lahat. Yung mga ginamit Nung Kasal ko like Yung coins, pakisama sa kabaong ko. Hanggat maari sana ay wag nang patagalin pa ang lamay ko, Wala din namang pupunta sa akin kaya sapat na Ang kaunting oras. Para makapagpahinga na din Ang lahat. Ang mahalaga lang naman sakin ay ang pamilya ko at ang mga totoo Kong mga kaibigan. 
If ever na hindi man magawa yung iba or lahat nang mga sinulat ko dito, okay lang, naintindihan ko, pero sana magawa kasi last wish ko na din ito.

Please read this message sa last lamay or sa may simbahan.

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat nang taong pumunta at nakiramay sa pagkawala ko. Salamat sa lahat ng nakaalala at tumulong. Sa aking pamilya, maraming salamat kasi hanggang huli di nyo ako iniwan. Mamimiss ko kayong lahat lalong lalo na si mama. Mama, mahal na mahal kita, wag na wag mong kakalimutan yun, kahit wala na ako lagi pa din akong andito. Tulungan niyo po si mama, especially sa mga kapatid ko, kayo ang umalalay kay mama lalo na ngayong wala na ako. Sa papa ko, mahal na mahal ko po kayo, salamat sa pagbibigay ng kulay at pagmamahl sa buhay ko. Lahat nang masasayang memories, di ko makakalimutan yun, kaya nga lagi akong nag picture at nag video para if ever man mawala ako, may mga alaala akong naiwan na pwede nyong balikan. Mahal na mahal ko kayong lahat. Nawala man ang katawan ko, andito pa din ako, nasa puso at alaala niyo. Humihingi din ako ng patawad sa lahat nang taong nagawa o nasabihan ko nang masama, buong puso akong humihingi ng patawad at sana tanggapin niyo iyon. Mahal na mahal ko kayo asawa ko Kit at sa mga anak ko, Loreea Faye, gingging, and Crisa Kitstine, masakit man sakin na mawala pero ganun talaga, oras ko na. Wag mong pababayaan si anak daddy, wag mong pababayaan ang sarili mo. Mahal na mahal kita, salamat sa walang humpay mong pagmamahal sa akin. Kahit wala na ako, dadalhin ko pa din ang pagmamahal ko sayo kahit san man ako mapadpad. lagi ko namang sinasabi ito, pero di ako magsasawang ipagmalaki at sabihin na napakaswerte ko na minahal mo ako, yung pagmamahal na higit pa sa inaasahan ko. Makakasama ko na din si Ging gong. Sa mga kaibigan at mga kakilala, sa mga dating katrabaho, maraming salamat sa lahat ng masasayang memories natin together. Salamat kasi naging parte kayo ng buhay ko. Sa pamilya ko, wag na kayo masyado malungkot, masaya na ako, kasama ko na sina lolo, Lola, nangni jo at japok, wag kayo mag alala, ikwekwento ko sa kanila lahat ng masasayang memories natin pati yung mga message niyo. Sana maging mas naging meaningful ako sa inyo, gumawa ako ng mabuti at magagandang alaala para maging maganda din ang mga alalang maiiwan ko sa inyo. Hanggang dito na lang, hanggang sa muli. 


Hindi ko alam pero pakiramdam kong nanghihina ako. Pakiramdam kong parang malapit na ako mawala. Ayokong mawala nang hindi nagpapaalam, kaya't hangga't may oras pa ko, gagawin ko na ito.


No comments:

Post a Comment