December 21, 2018
11:01 pm
Ang mensaheng ito ay Kung sakali mang mawala ako sa Di inaasahang panahon at makapag-alam.
Daddy, dadadad, bhie, mahal, hubby. Para sa pinakamamahal kong asawa, mahal na mahal kita, alam ko namang alam mo yun. Sorry sa lahat, sorry kasi pasaway ako, sorry kasi nagger ako, sorry kasi tamad ako, sorry kasi hindi ako yung asawa na inaasahan mo, sorry kung di ko maiparamdam yung pagmamahal at care na deserve mo, believe it or not, im trying, pinipilit ko pero eto lang talaga kaya ko. Sorry for everything, for hurting you, unintentionally and intentionally. Sorry for being myself. Alam ko naman lahat ng sacrifices mo para sa akin, dahil sa pagmamahal mo sa akin nagtitiis ka kahit ganito ako. And sobrang thankful talaga ako kasi ikaw yung naging asawa ko, lubos lubos ang pasasalamat ko kay Lord kasi ikaw ang asawa ko. Salamat sa'yo kasi minahal mo ako, tinanggap mo ako, salamat sa pagtulong sa akin para di ako mahirapan, salamat sa pagpapalakas ng loob ko kahit minsan nakakasakit yung way mo, salamat sa mga maliliit na bagay na ginagawa mo sakin dahil para sa akin napakalaki nun, salamat sa pakikinig sa akin, salamat sa paghanga sa akin, salamat sa pagiging mabuting asawa at tatay sa amin ng anak mo. Lahat lahat ng bagay at alaala nating dalawa, forever kong babaunin yun kahit saan man ako mapunta. And forever akong blessed and thankful kay Lord kasi binigay ka niya sa akin, sabi ko naman sayo diba na ikaw yung answered prayer ko. And napaka swerte ko kasi higit pa yung binigay sa akin ni Lord, higit pa sa inaakala ko. Salamat sa bawat segundong kasama kita, yung mga segundong yun ang masasayang segundo ng buhay ko. Lagi mong tatandaan na kahit na wala na ako, andito pa rin ako para suportahan ka sa lahat ng gagawin mo, mamahalin ka kahit nasaan man ako. I love you daddy. Salamat sa pagpapa-saya sa akin. Salamat sa pagbibigay kay Loreea sa akin. Mahal na mahal ko kayo ni anak. Kahit na madaming tao ang nagsasabi ng mga masasama sa'yo, proud pa din akong sabihin na hindi ako nagsisisi na ikaw ang asawa ko, at ipagmamalaki kita na ikaw ang asawa ko, na kahit ganito lang tayo, proud ako sayo dahil nabubuhay mo kami ni anak. Wag mong pipigilan ang self mo kung yun ang magpapasaya sayo, you deserve it. Magbigay ka ng oras para sa kaligayahan mo. Lagi mong iingatan ang sarili mo, need ka pa ng anak natin. Mamimiss ko lahat ng alaala natin, yung kulitan, lambingan at mga simpleng bagay na nakakapag pasaya sa atin, mamimiss kita ng sobra pati si anak. Alam mo namang di ako nakakatulog ng hindi hawak ang kamay mo, hindi buo ang araw ko ng hindi kita nayayakap, nahahawakan, nahahalikan at nakukulit. Ikaw na bahala kay anak. Patawad kung hanggang dito na lang ako. Mahal na mahal kita kit sherwin sandro aninon roque. Salamat Asawa ko kasi natupad na Yung gusto kong Kasal sa simbahan, kinasal tayo sa harap ni Lord. Simple pero napakasaya ko kasi at last official na tayong mag Asawa. Salamat sa pagtitiis at pagiintindi sa akin kahit sobrang labo ko na. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at mas Lalo kitang minamahal. Maraming salamat dahil sa iyo naranasan Kong maging Ina at Asawa.
No comments:
Post a Comment