Monday, September 24, 2018

Why are you pushing me?

September 25, 2018
07:19 am

Why are you pushing me?

Pangalawang araw na ito nang tampuhan natin. Hindi ko alam kung matatawag pa ba itong tampuhan o baka masisira na tayo. Pangalawang araw na din ako wala sa pag iisip ko. Hindi na ako makagalaw ng maigi dahil nalulungkot ako, napapaisip, at ang bigat ng pakiramdam ko. Kahit pinipigilan kong di umiyak, kusang pumapatak ang mga luha ko. Hindi ko maintindihan kubg bakit ka ganyan, o naiintindihan ko na pero di ko lang matanggap. Why are you pushing me? Why are you pushing me to work? Bakit pinagpipilitan mong mag trabaho na ako kahit in the first place dapat ikaw gumagawa nun? Noon gustong gusto kong mag trabaho pero dahil sa walang magbabantay sa anak natin, kahit masakit binitawan ko ang trabaho ko. Masaya pa din ako kasi more time sa anak natin, naalagaan ko siya and na witness ko ang mga memories niya. I understand you sa lahat ng ginagawa mo, kahit nga may karapatan akong makielam, di ko pa din ginawa because I respect you. Kahit alam kong mahihirapan yung family natin sa mga drcision mo na hindi ko alam kung may pupuntahan ba talaga. Moment of truth, matagal kong hinintay if may mangyayari ba sa decision mo, until now wala pa din, in short nothing happens. Nganga pa din ang pamilya natin. I'm not blaming you na maramdaman at maranasan ko yung mahirap na buhay nanito because madami akong natutunan sa buhay. Pero I can't stay like this, I want a better present and future for my kid. Mahirap umasa sa hindi ko alam na way at paraan mo para mabuhay tayo because you don"t have job. I know it's really hard to look for a job, because I know the struggle, pero nang ganito katagal and I don't even see you seek and mag tiyaga para maghanap ng work,  di na naman ata reasonable yun. Pero mas hindi reasonable na sasabihan mo ako ng masasakit na salita just to push me to seek for a job, your reason is para sa akin, para sa sarili ko, para ma achieve ko yung mga gusto ko sa buhay ko, para may maipagmamalaki ako at di tapak tapakan, yeah, I get that point, and I really appreciate it, pero para saktan yung feelings ko, no goods na yun. Ilang beses akong nagtiis sa mga salita mo, I'd even tried to not talk kahit napaka bungangera ko, pero ang sakit ehh, lagpas lagpasan na yung mga sinasabi mo sa akin, sarili kong asawa, he judge me, dinaig mo pa yung ibang tao kung maliitin mo ko mula ulo hanggang paa para lang maghanap ako ng work na miski ikaw wala ka ngang trabaho. I can seek for a job, I can work, I can sacrifice my time kahit maulit uli na mag aalaga ako ng anak sa umaga at mag work sa gabi, I can sacrifice my health for that. Pero yung pagpu-push mo sakin at masasakit na salita yung di ko na matitiis, you know that I'm emotional, pero kahit napaka sensitive ko pinilit ko pa dong intindihin yung reason mo, intindihin ikaw kahit kitang kita ko naman na di naman talaga reasonable, still I tried my best to understand you, not to say something might hurt you, pero ikaw, madali lang sabihin yun sa'yo at sinabi mo pang uulit ulitin mo yung hanggang gawin ko na maghanap ng work at hindi puro plano. Your being so tough with me. Alam ko namang hindi ako perpektong asawa at most of the time may pagkukulang ako, pero di ko naman siguro deserved na masaktan nang ganito. You are pushing me to look for a job but instead you are pushing me away to you.

No comments:

Post a Comment