August 25, 2018
"Only YOU!"
Helo Lolo! Kamusta ka na dyan sa langit? Miss na miss na kita, miss na miss ka na namin. Parang hanggang ngayon di pa din kapani-paniwala na wala ka na. Tara lolo, inom tayo ngayon, red wine. Alam kong apo mo lang akoako, hindi gaanong malapit sa'yo, walang nagawang tulong sa'yo, mali na bang ipakita yung pagkamiss sa'yo? Mali na bang kahit thru social media parang nakakausap kita? Lolo, madami akong regrets, regrets na di ko nagawa nung nabubuhay ka pa. Humihingi ako ng tawad dahil di ko man lang naiparamdam pa sa'yo yung pagmamahal ko para sa'yo lolo. Sana noon pa lang, nung malakas ka pa, nung kasama pa kita, napagsilbihan kita at naalagaan. Mahal na mahal kita lolo. Di ko man lang nasabi sa inyo yun nung andyan ka pa, kasi kahit imposible umasa pa din ako, umasa pa din kami na gagaling ka. Sana nasabi ko man lang yun, nasabi ko na lang yun nung nasa ataol ka na. Hindi man lang kita nayakap. Naaalangan akong yakapin ka lolo kasi masakit na yung katawan mo. Pero lolo, salamay, salamat kasi kahit sa panaginip lang, yung mga regrets ko, tinupad mo, nayakap at nasabi ko sa'yo na mahal kita. Napakabait mo talaga lolo, sobra. Mamimiss ko yung kaldereta mo lolo, the best yun. Yung mga jokes mo, yung mga ngiti mo, yung presensya niyoniyo, yung mga lambing niyo. Kahit nasa ataol na kayo, naglalambing pa din kayo, kahit nakatakot akl dun sa paruparo, alam kong kayo yun lolo, di kita iniwan nun, binantayan kita. Sana naappreciate mo yun lolo, alam kong huli na, pero masaya akong sa mga huling araw niyo dito, ako yung nakasama niyo, ako yung nada tabi niyo. Hinding hindi kita makakalimutan lolo. Sayang, gusto ko pa naman nandun kayo if ever na ikasal ako, kaso wala na kayo. Alam ko namang lagi kang andyan lolo, anghel na namin kayo. Lolo, lagi mo po akong gabayan sa lahat ng desisyon na tinatahak ko. Alam kong masaya na kaho diyan, wala nang sakit, kahit sobrang sakkt na wala na kayo,masaya pa din kami kasi hindi na kayo nahihirapan. Sana kapag ako naman yung nawala, kayo po sumundo sakin. Sobrang saya ko na nun lolo. Mahal na mahal na mahal kita lolp, salamat sa lahat, sa walang janggang pagmamahal niyo pati sa anak ko. Miss na miss na kita lolo. See you again. I love you.
No comments:
Post a Comment