Saturday, February 3, 2018

My negativity kills myself

January 30, 2018
11:44 pm

My negativity kills myself

Alam mo yung masakit, yung pati asawa mo parang ayaw ka na ding makasama. Masakit na nga sa dibdib na yung sarili mong nanay ayaw kang kausapin dahil sa negativity mo, pati asawa mo, ayaw ka na din kausapin. Yung kaisa-isang taong akala mo iintindihin ka, tanggap ka at no matter what happen andyan para sa'yo sumuko na din sa'yo. Wala nang nakakaintindi sa'kin. All I want is your time and appreciation, I don't care about the money or material things, all that matters to me is your presence, kahit di ka na magsalita basta andito ka lang sa tabi ko, panatag na loob ko, komportable na ako. I want to die, wala na yung nag-iisang taong akala ko sasamahan ako kahit na sobrang topak ako, yung taong akala ko tanggap ako at kaya akong intindihin. Oo, aminado naman ako na hindi talaga maganda attitude ko, nobody's perfect and this is me, this is who I really am. Pinakita ko naman sa kanya yung totoong ako, at sa hinaba-haba nang pagsasamahan namin, akala ko tanggap niya ako, pero hindi pala. Dahil ako tinanggap ko siya ng buo, tinggap ko yung buong pagkatao niya. Pero hindi niya pala kayang gawin din sa akin yun. I've never asked na masuklian yung binibigay ko sa kanyang pagmamahal at pagtanggap pero minsan, hahanap-hanapin mo din pala yung pagkukulang na yun, na sana kahit minsan maramdaman mo ying pakiramdam na nasusuklian din yung pagmamahal na binibigay mo, kahit minsan lang.

No comments:

Post a Comment