Wednesday, March 23, 2011

"NABABAGABAG"


February 15, 2010

"Nababagabag"

Ipinikit ang mga mata pero lalong pumapasok sa aking isipan lahat. Ibang klase akong tao, ako yung tao na parang di mo nanaising makasama. Sa lahat ng pagkakataon, tahimik lang ako, laging may naiisip/nag-iisip ang lagi mong mababakas sa aking mukha. Eto na naman, bakit ganito na naman ang aking nararamdaman? Wah! Para akong laging may buhat buhat na mabigat. Bihira mo akong makitang nakangiti at masaya, laging lungkot ang bakas sa aking mukha. Hindi ko kayang sumabay sa mga gimik ng mga taong nasa paligid ko. Tahimik. Sssshhh! Ang nasasambit ko na lamang sa kanila, "Parang di kayo nasanay sa'kin, ganito na talaga ako". Hindi ko alam kung bakit may bumabagabag sa aking puso. Hindi ko mahanap kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Hindi maganda, yan ang aking nararamdaman. Parng may sinasabi ang aking puso pero hindi ko siya maintindihan. Umiyak na lang kaya ako? Sa dami dami nang mga pinagdadaanan kong mga problemang emosyonal, kelangan ko itong iiyak. Simple lang ako, Oo! matampuhin ako pero kahit kailan, di ko kayang magtiis o tiisin ang isang taong mahal ko. Sobra akong magmahal kung kaya't sobra din akong masaktan. Nanghihina! yan ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito? Nalilito ako! Wah! Bakit ganito? Oo! wala akong maipagmamalaki, hindi ako maganda, hindi matalino, hindi marunong sa sports, hindi marunong sumayaw, mahina pagdating sa larangan ng edukasyon. Magkaganun man, tao pa din ako, kelangang igalang at respetuhin. May pangarap ako sa king buhay, gusto ko lang maging masrap ang buhay ng aking INA, kapag nanatiling ganun ang buhay ng aking pinakamamahal, kahit humimlay na ako, masaya at kjuntento na ako. Gusto kong isa ako sa mga taong magpapagaan at magpapasaya sa buhay ng aking nanay. SIMPLe lang pero MAHIRAP abutin. Pangarap sa aking sarili? siguro plano sa mga dadating pang araw at kasalukuyan, meron, pero sa pangarap? yun lang ang pangarap ko, yung sa nanay ko. Masaya na ako, mahalin lang ako at tanggapin.





No comments:

Post a Comment