January 28, 2010
"Mapagmatyag"
Lulan sa aking mga mapagmatyag na mata, bawat kilos at mga damdaming ipinapakita ng bawat isa sa ati'y lahat ay may ibig sabihin. Isip..Isip lang ng isip habang nakapikit ang mga mata . lumalabas ang mga ideya at mga konklusyon sa aking utak. Madami akong napapansin, madaming mga katanungan, bakit ganoon? bakit ganyan? paano? Pero, may isang nakaagaw ng aking pansin, ayun ang pakikisama natin sa mga tao ayon sa ating mga nararamdaman, miski ako ganoon din. Kung isipin mo, halos lahat ng oras nais nating may makausap, pag masaya ka, pag malungkot at iba-iba pang mga pakiramdam. Naghahanap tayo ng isang taong alam nating pag ikinuwento natin iyon o sumama ka sa kanya, maiintindihan ka nya at sumasang-ayon siya sa'yo. Unahin na natin ang pagiging malungkot, kapag kailangan natin ng makakausap andyan ang mga taong handang makinig sa'yo. Ngunit mas komportable at gumagaan ang loob mo kung doon ka sa isang taong makakasang-ayon. Iba't iba ang ugali ng mga tao, iba't ibang pagkatao, may masayahin, may tahimik, may madadaldal, may puro kalokohan, kung iisahin ko pa ang lahat ng ito, baka di na ko matapos sa pagsusulat. Iyon ang gusto kong sabihin, bumalik na ulit tayo sa pagiging malungkot, kung kakausapin mo din ang taong malangkutin, tiyak namang maiintindihan at sasang-ayon sya sa'yo. Kung ikaw naman ay masayahin o gustong laging masaya, sasama ka naman sa mga taong mapagbiro at masasaya, sa ganoong paraan, mapapasaya ka nila. Ngayon, kung iisipin mo, ang mga taong tahimik at malulungkot unti lang ang mga kaibigan. Nakakalungkot pero ganun talaga. Alam kong pwede kang sumang-ayon at hindi sumang-ayon sa aking sinasabi. Pero sabi nga ng iba, hindi tama at hindi mali ang isang opinyon. Subukan nyo ding magmatyag, maaring sumang-ayon kayo sakin. Depende iyon sa itong paniniwala at nararamdaman.
No comments:
Post a Comment