"Kawalang Pag-asa"
Mukhang magwawakas na ang aking mundo. Unti-unti na akong nilalamon ng kawalang pag-asa. Nalulungkot at nanlulumo ang puso ko sa mga pangyayaring kinakaharap ko ngayon. Makakaya ko pa ba ito? o susuko na lang ako ng walang ginagawa? Napakasakit naman nitong nangyayari sa'kin. Pero, kung iisipin mo ng lubusan, hindi pa ito ganun kasobrang kahirap, para ka lang nagbubuhat ng krus mo at ang krus mo ang sumisimbulo ng mga problemang kinakaharap mo ngayon sa iyong buhay. May isang kwento sa bibliya kung saan sinasabi nitong may isang taong nagbubuhat ng krus nya, para sa kanya, ito'y napakalaki at napakabigat kung kaya't humiling sya sa ating Panginoon na palitan ang krus nya ng mas maliit. Pinagbigyan naman siya ng Diyos. Natupad ang gusto nyang mangyari, pinili nya ang pinakamaliit at pinakamagaan na krus, nakita nya na nagbubuhat ng krus o kanya-kanyang krus, mas malaki at mas mabigat pa ito kesa sa kanya, dun na pumasok sa kanyang isip na mas higit na magaan at maliit ang mga problemang kanbyang kinakaharap kesa sa iba at kahit na mabiga6t ang dinadala ng iba ay kinakaya nya pa din yun. Isa lang ang ibig sabihin nito, na hindi kailangang sumuko at manlumo! Kelangan nating lumaban at humarap ng matapang sa mga problemang sumusubok sa ating ngayon! Kaya natin to.. Hindi naman ito ibibigay ng Diyos, kung hindi natin kaya. Don't lose hope! Always think positive...LABAN!
No comments:
Post a Comment