Wednesday, July 5, 2023

Don't leave me alone

 July 5, 2023 4PM

Wag mo akong iiwan mag-isa. Wag mo Kong iiwan. Yan ang parating maririnig mo sa akin. Hinang Hina na ako. Pagod na pagod na ako. Yung may Kasama lang ako, Yun Yung makakatulong sa akin para di mapagod, para di manghina. Iniiwan mo pa din ako mag-isa. Lutang na lutang na ako. Masama ang pakiramdam ko. Para akong may sakit na di ko malaman. Nahihilo ako. Nakatulala. At kapag nakikita mo akong nagkaka-ganito, Ikaw pa nagagalit. Kesa yakapin at lambingin mo ako. Nagagalit ka sa akin, pinaparamdam mong isa akong walang kwentang tao, taong di mo maaasahan, iiwan mo ako mag isa. Nababadtrip ka, nagagalit ka, naiinis ka.

 Wag mo Kong Iwan. Gusto ko lang ng Kasama. Kahit Wala Kang Gawin, gusto ko na lang ng makakasama. Nagpakatatag ako hanggang ngayon. Sa lahat ng masasamang nangyari sa akin, pinili Kong magpakatatag. Pinili Kong bumangon kahit sobrang hirap. Pinili Kong balewalain Yung nararamdaman at pagod ko kasi kailangan, kasi kailangan nang magpatuloy. 

Wag mo akong Iwan. Mahirap bang Gawin Yun? Hindi ko alam kung ano Yung naiisip at nararamdaman mo pero valid ba Yun para ganito ipa-ramdam mo sa akin? Hindi pa ba ako naging strong at nagpakumbaba despite nang lahat ng nangayari? Hindi na ako nagsalita pa. Tumahimik na lang ako pero bakit Ikaw pa ang Galit? Bakit parang ako ung may nagawang masama? Bakit parang ako Yung masama? Di ko na alam kung paano pa magpakatatag. Di ko na alam kung ano pa ang gagawin Kong pag iintindi sa lahat ng mga nangyayari. Di ko na ata kaya. Miski katawan ko di na din kinakaya. Nagsasabi ako pero parang Wala lang sa'yo. Hindi ko alam pero nararamdaman Kong malapit na ako. Siguro nga mas okay na Yun para matapos at mawala na tong paghihirap ko. 



No comments:

Post a Comment