August 22, Saturday 06:24 AM
Puro na lang pagkakamali ko nakikita nyong lahat. Sa lahat ng tulong at tama na ginawa ko puro mali ko lang.
Kung husgahan nyo ko ganun-ganun na lang. Buti pa dito, kahit anong sabihin ko walang nasasabi sa akin.
Sa paningin nyo, wala na akong ginawang tama. Madami akong gustong sabihin pero dahil sa sobrang sama ng loob ko, di ko alam kung pano ko sasabihin lahat.
Porket ganito lang ako, mahina, lalo nyo pa akong tatapakan at mamaliitin.
Kapag pinaglalaban ko sarili ko, pagmumukhain nyo akong masama. Parang wala akong karapatan sa lahat ng bagay kahit sarili ko wala na din.
Walang wala na ako, mahinang mahina na ako, lubog na lubog na ako. Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa inyo yun at ilulubog nyo pa ako.
Ilang weeks na akong ganito and I still fighting my demons. Wala talagang nakakaintindi sa akin miski asawa ko.
Sinasabi nya lang mga napapansin nya na parang naiintindihan nya ko pero hindi talaga.
Porket ba mental illness, wala lang. Sasabog na ang utak at damdamin ko. Di ko na alam kung san ako lulugar. Tao lang ako, madalas nagkakamali din. The way na ituring nyo ako, di ako pwede magkamali.
Sino na lang iintindi sa akin? Wala na. Sarili ko lang. Sarili mo lang talaga maaasahan mo. Kung pwede lang yakapin ang sarili para maging okay ka, maramdaman mong may kasama ka. Wala na akong kasama, nag iisa na lang ako. Walang naniniwala sa akin.
Akala lang nilang lahat masama ugali ko, na maarte ako. Di ko ginusto maging ganito.
Bibigyan nyo ko ng mga bagay na maganda pero parang may kapalit din naman. Gusto nyo dapat sundin ko yung mga gusto nyo, pano naman yung gusto ko? Kapag ako di pwede magpahinga. Kapag ako nagkamali, parang napakasama ko na. Miski pansariling karapatan, wala na ako.
Do I really have to suffer para masaya kayong lahat? Kahit nga sarili ko na pinapahirapan ko, questionable pa din.
Kahit ilang beses ko sabihin, paulit ulit nyo lang din hindi maintindihan.
Nagbabago na din ang isip ko sa'yo. Patagal ng patagal, di mo ko naiintindihan, yung gusto mo nasusunod.
Bakit kailangan gawin nyo sakin ito?
Sa loob loob ko sumisigaw na ko. Gusto ko na talagang mawala. Sukong suko na ako. Parang wala din naman talaga existence ko.
Iba ang katulad ko, iba ang way ng nararamdaman ko sa nararamdaman nyo.
Di ko naman kailangan na mapansin, gusto ko lang ng maayos na pakikitungo at mapayapang buhay.
No comments:
Post a Comment