Ang mensaheng ito ay Kung sakali mang mawala ako sa Di inaasahang panahon at makapag-alam.
Papa, unang una, salamat po sa pagiging ama sa !in ni ate, nang dahil sa'yo pa, naramdaman naman yung pagmamahal nang isang ama. Tinanggap mo kami na totoo mong anak, minahal at inalagaan bilang toong anak, magpasa-hanggang anak namin, mga apo niyo po, minahal nyo din. Dun pa lang papa, sa pagmamahal mo, sobra sobra na yung pasasalamat ko at kasiyahan. Mamimiss ko yung mga paglalambing niyo, yung pangungulit niyo lalo na kapag nakainom kayo. Hindi ko makakalimutan ang mga pangaral niyo. Hindi kayo nagda-dalawang isip na sabihin nyong anak niyo kami. Dun pa lang sobrang tumataba ang puso ko. Salamat kay Lord kasi hindi man namin nakasama yung totoong ama namin, nakilala at tumayo naman kayong tatay namin: tatay na nagmahal, nag-aruga, pinagmamalaki kaming anak niya. PApa, mahal na mahal po kita. Lagi niyong iingatan ang sarili niyo. Salamat po sa pagmamahal. Hindibg hindi ko po kayo malilomutan.
No comments:
Post a Comment