Wednesday, November 28, 2018

Masaya pero malungkot


November 28, 2018
04:40 pm

Hindi ko Alam Kung anong mararamdaman ko ngayong malapit na Ang pasko, Kung magiging masaya ba dahil kapanganakan ni Hesus o malulungkot kasi Ang sakit pa din isipin na kulang na kami, Hindi na kami kumpletong mag-celebrate ng pasko, bagong taon, birthdays at family day. Miss na miss ka na namin Lolo at Japok! Lalo na sa darating na panahon na ito, nagsasama tayong lahat, kakain at magkwekwentuhan. Pinipilit naman naming maging okay pa din kahit Wala na kayo pero Ang sakit pa din sa puso, Ang sakit pa din na Hindi na namin kayo makakasama sa mga espesyal na selebrasyon ng mga buhay namin. Mahal na Mahal namin kayo Lolo Edgar at Japok. Kahit kailan hindinh Hindi namin kayo makakalimutan dahil halos araw araw naiisip namin kayo. Ang hirap lang kasi na di mo nailalabas Yung nararamdaman mo, kaya kahit masakit ipo-post ko pa din ito. Alam naming masaya na kayo dyan, at masaya din kami kasi Alam naming okay na kayo dyan. Pasensiya na po Kung minsan di pa din namin mapigilang umiyak at malubgkot tuwing naiisip namin kayo kasi sobrang miss na miss na namin kayo. Kahit napakasakit na Wala na kayo, masaya pa din kami kasi masaya na din kayo dyan. Lolo Edgar, Japok, Mahal namin kayo.

No comments:

Post a Comment